|
ANAK NI GLORIA BINUNDAT SA PROYEKTO M'cañang napundi sa hunger fund Paglusaw sa Senado supalpal sa survey
|
TOP
STORIES
ANAK NI GLORIA BINUNDAT SA PROYEKTO Ni Rey Marfil Pinaniniwalaang maagang naniguro si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maipapanalo ang kanyang anak na si Dato Arroyo kaya binuhusan nito ng humigit-kumulang P1 bilyong proyekto ang Camarines Sur na target ng bunsong presidential son sa nalalapit na congressional race. Ito ang ipinahayag ni Senate minority floor leader Aquilino "Nene" Pimentel, Jr. matapos madiskubreng namumukod tanging ang distritong pupuwestuhan ni Dato Arroyo ang nakatanggap ng bilyones na proyekto mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Bagama’t maganda ang hangarin ni Mrs. Arroyo na pagandahin ang mga tinaguriang poorest provinces, nakakapagtaka, ani Pimentel, na nakasentro lamang sa dating balwarte ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Rolando Andaya ang pagbuhos ng pondo at proyekto. Sa dalawampung itinuturing na poorest provinces, tanging Camarines Sur na binakante ni Andaya at ngayo’y planong pagharian ng bunsong anak ni Mrs. Arroyo, ayon kay Pimentel, ang nabigyan ng bilyong proyekto gayong mas marami pang lalawigan ang naghihirap. Lahat ng imprastraktura, katulad ng konstruksyon ng mga tulay, kalsada at eskuwelahan, ayon kay Pimentel, ito’y ibinuhos ni Mrs. Arroyo sa Camarines Sur habang walang makuhang proyekto ang iba pang poorest provinces kahit isang dipang kalsada o kaya’y naipatayong poste ng eskuwelahan. "The wanton expenditure of public funds to favor certain districts like that district in Camarines Sur where her son is running, being the recipient of a billion-peso fund, ostensibly for the construction of roads, bridges and school buildings and all, which are good," ani Pimentel. Kahit anong depensa ang gawin ni Andaya para bigyang-katwiran ang paglaan ng bilyong pisong proyekto sa Camarines Sur, iisa lamang ang motibo ni Mrs. Arroyo ngayong eleksyon, walang iba aniya kundi tiyakin ang panalo ng kanyang anak. "But the thing is why? Why in that particular district alone? The reason of course is that is where her son is going to run, Dato. So it is obviously a case where public funds are being expended to grease the way of Dato Macapagal to Congress from that particular district," ani Pimentel. Unang lumutang ang senaryong itinalaga ni Mrs. Arroyo si Andaya bilang DBM Secretary, kapalit ang pagtakbo ng kanyang anak sa mababakanteng distrito ng dating kongresista sa Camarines Sur bilang preparasyon sakaling tumaob ang administrasyon nito. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|