|
|
HULAAN
BLUES
Kandidato magbabayad ng P5,000 kada watcher (Bernard Taguinod) Ngayon pa lamang ay dinadagsa na ng mga taong gustong maging watcher ang isang bagitong pulitiko sa southern area ng Metro Manila dahil sa alok ng kanyang kampo na P5,000 ang bayad sa bawat magbabantay sa kanyang boto. Ito ang impormasyong nasagap ng DPA ng TONITE na kapag natuloy ay kauna-unahan sa kasaysayan ng pulitika sa bansa dahil karaniwang bayad sa bawat watcher ay P500 hanggang P1,000 lamang. Alam ng bagitong pulitiko na wala siyang laban sa kanyang babanggaing pamilya kaya gumagastos ito ng napakalaking halaga para makuha ang loob ng mga kadistrito. Nabatid na noong nakaraang taon pa nagsimulang magparamdam ang bagitong pulitiko dahil sa kanyang ambisyon na pumasok sa pulitika lalo na sa Kongreso. Wala namang problema sa pamilya ng bagitong pulitiko ang pera dahil saksakan ng yaman ang kanyang ama lalo na noong makakuha ng maganda as in juicy position ang matanda dahil sa koneksyon sa administrasyon. Ilan naman sa mga kadistrito ng bagitong pulitiko ay nahuhulog ang loob sa kanya dahil bukod sa pagiging galante at mahilig magpapista kahit walang okasyon ay nangangako raw ang kanyang kampo ng malaking halaga sa araw ng halalan. Hindi lamang malaman ng DPA ng TONITE kung ang bagitong pulitikong ito ang nangakong magpasahod ng P5,000 sa pagwa-watcher pagdating ng araw ng halalan subalit ito ang kumakalat sa kanilang lugar. Dahil dito, marami na ang nagpapalista sa kampo ng bagitong pulitiko para maging watcher lalo na’t nangangailangan umano ng 50,000 katao ang mokong sa araw ng halalan tulad ng ipinapakalat ng kanyang mga tauhan. Clue: Hindi pa gaanong kilala ang bagitong pulitikong ito kaya hindi na biro ang ginagastos nito simula noong nakaraang taon para lamang magpasikat. Mula ito sa isang kilala at mayamang lungsod sa southern area ng Metro Manila at mayroon itong inisyal na...huwag na. Shopping na lang kayo. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|