|
John Regala pinalaya sa drug case Pumalag sa holdap, negosyante binoga
|
CRIME
STORIES
John Regala pinalaya sa drug case (Aries Cano) Balik sa laya ang aktor na si John Regala matapos irekomenda ng piskalya na pansamantala itong palayain gayundin ang isa pang lalaki na kasama niyang inimbitahan sa himpilan ng pulisya ng mga operatiba ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Manila Police District (MPD) noong Sabado ng hapon. Gayunpaman, nilinaw ni SPO2 Eduardo Pama, may-hawak ng kaso, na bagama’t pansamantalang pinalaya sina John Regala y Boucher, 39-anyos at Antonio Flores Jr. y Bautista, 42-anyos matapos na irekomenda ng piskalya na release for further investigation (RFI) ay patuloy pa rin didinggin ang kaso ng mga ito. Bandang alas-3:30 ng Linggo iniharap sa piskalya sina Regala, Flores at si Roberto Aguas y Buado, 45-anyos para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Isinailalim na sa drug test ang tatlo pero hindi pa umano lumalabas ang resulta. Bandang ala-una kahapon ng hapon nagpalabas ng release order si Chief Inquest Nelson Salva ng Manila Prosecutors Office para kina Regala at Flores. Pero hindi pinalaya si Aguas dahil ito umano ang naaktuhan na humihitit ng shabu nang salakayin ng mga awtoridad ang isang bahay sa FT Benitez St., Malate, Maynila. Nilinaw naman ni SPO2 Pama, na walang nakuhang droga kay Regala maging sa loob ng sinalakay na bahay. Narekober lamang umano ang sari-saring drug paraphernalia gaya ng dalawang pinilas na aluminum foil na may bahid ng hinihinalang shabu, improvised tooter at lighter. Ayon naman umano kay Regala, inosente siya sa nasabing kaso at kaya lamang siya nagtungo sa nasabing lugar ay para makapagpahinga. Sinasabing natutulog sa nasabing bahay si Regala ng dumating ang mga pulis. Ang sinalakay na bahay ay pag-aari umano ng immediate family ng misis ni Regala at kaya lamang ito nagtungo roon ay upang makapagpahinga dahil maraming nangungulit umano sa aktor sa bahay nito sa Culiat, Quezon City para mag-endorso ng mga pulitiko. Dinagdag pa ng aktor na tapos na siya sa ganung klase ng gawain at matagal na niya itong tinigilan. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|