MARCH 24, 2011 THURSDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below

MEGA LOTTO 6/45 DRAW
March 23, 2011

18-26-08-31-01-16
P4,500,000.00

4-DIGIT 8-5-1-6

11AM SUERTRES 7-1-5
4PM SUERTRES 2-3-4
9PM SUERTRES 6-1-7

EZ-2 11AM
06-24

EZ-2 4PM
18-16

EZ-2 9PM
23-20

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

53-52-36-48-45-29
P62,100,223.20

Exchange Rate
March 23, 2011
As of 3:04 pm
U. States 43.4300
Bahrain Dinar 115.178
Euro 61.5301
HK Dollar 5.57205
Japan Yen 0.537038
Saudi Riyal 11.5807
S’pore Dollar 34.3242
Taiwan Dollar 1.46783
UAE Dirham 11.8238
UK Pound 71.0637
Tunay na programa
Ni Andy Sevilla

Kailan daw kaya magkakaroon ng tunay na ra­cing program kung saan nakalagay ang lahat ng mga impormasyon sa mga kabayong tatakbo sa isang araw at puwede nang mag­handicap ng mag-isa ang isang racing aficionado.

Marami na kasi ang nakakita ng mga programang ginagamit sa ibang bansa kung saan ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa lahat (as in lahat, huh!) ng impormasyon ng mga kabayo’y makikita.

Kumpleto ang lahat ng mga impormasyon lalo na kung nagkaroon ba ng kapansanan ang isang kalahok at ano ang kanyang tsansa sa sasalihan ni­yang karera.

Maging ang inaasahang gagawin ng kabayo sa na­sabing karera ay binibig­yan ng prediksyon ng tips­ter ng nasabing programa, maganda man o hindi.

Hindi sila kasi takot doon o kaya naman ay may pinangingilagang “sacred cows” o mga amo sa karera kung kaya’t lahat ay sina­sabi nila at hindi itinatago sa mga karerista.

Sinasabi din doon kung nagkaroon ng injury ang isang kabayo at kung ito’y napagaling na nila o kaga­galing lang, kaya naman kumpleto ang impormasyong nakikita ng mga karerista kaya sila na mismo ang nagpapasya kung sinu-sino ang mga kabayong sa tingin nila ay nakalalamang sa bawat karera.

Sa pagkakaroon kasi ng maagang mga impormasyon ay medyo nakalalamang na ang isang karerista na siya mismong nakakalkula o nagha-handicap ng isang karera.

Hindi na sila umaasa pa sa mga tips na kalimitan ay pulos gawa lamang ng mga taong walang magawa o kaya’y nananyamba sa karerahan.

Kaya naman malakas ang karera doon sa ibang bansa ay dahil na rin sa excitement na nagagawa nito sa mga karerista dahil lahat ay parehas na lumalaban sa bawat karera.

Dahil nga kumpleto ang mga kaalaman tungkol sa present condition ng mga kabayong nakikita nilang tatakbo sa isang ka­rera, parehas na nakapami­mili sila ng puwedeng manalo ng wala nang ina­asahan pang magbibigay sa kanila ng mga tips.

 

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION