MARCH 20, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Political ads ni Gloria, nakakasuka na
Bernard Taguinod
 

Ganito inilarawan ng isang kongresista ang patuloy na pagbuhos ng political ads na nagpapaha­yag ng suporta kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa gitna ng krisis na nararanasan ngayon ng taumbayan.

Ito ang naging reak­syon ni CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva dahil maging ang Holy Week aniya ay hindi na iginagalang ng mga supporter ni Arroyo maiparamdam lamang ang kanilang suporta sa administrasyon.

Ginawa ni Villanueva ang naturang pahayag dahil muli na namang bumandera ang political ads ng mga supporter ni Arroyo sa ilang diyaryo na nagpapahayag ng kanilang suporta sa Pangulo.

Kahapon, Miyer­ku­les Santo, ang Maritime Aca­demies, Maritime Schools at Maritime Training Centers, ang naglagay ng isang full page ads sa ilang pi­ling broadsheet kung saan sinusuportahan umano ng mga ito si Arroyo.

“That’s the only way they can corner the people eh,” ani Villanueva subalit nakakasuka na umano at nagsasayang lamang ang mga supporter na ito ng pera dahil wala ng naniniwala kay Arroyo.

“Sad to say until now they don’t realize no one believe their product. It goes to show puro sugar coated mga programa nila. Only meant to appease the anger of our already suffering kababayans,” dagdag pa ni Villanueva.

Nanghihinayang si Villanueva dahil sa halip na ang pangangailangan ng taumbayan ang paggagas­tusan ay ang pagsuporta nila ibinuhos ang kanilang pondo.

 

Microsoft Internet Explorer 7