MARCH 20, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Dasal ng oposisyon: Gloria magbitiw na
Rey Marfil/Bernard Taguinod
 

Bagama’t maitutu­ring nang manhid sa bawat pag­kilos ng anti-Gloria for­ces ang Malacañang, hindi umubra ang paggunita sa Semana Santa para tigilan ng kanyang mga kritiko si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos iputong sa ulo nito ang pa­nawagang magbitiw na sa puwesto.

Bilang pagsakripisyo, hiningi ni Senate minority floor leader Aquilino “Nene” Pimentel Jr. ang pagbibitiw ni Mrs. Arroyo at kinonsensya sa lahat ng mga eskandalong kinasasangkutan na nagpapahirap sa mamamayan.

Kung mapapagnilayan lamang ni Mrs. Arroyo ang mga nagawang kasalanan, maiisip aniyang resignation lamang ang natitirang option upang isalba sa kahirapan ang pamahalaan tungo sa katahimikan at katatagan ng bansa.
“Mag-resign na si GMA para magkaroon ng katahimikan at katatagan ang bansa,” ani Pimentel matapos hingan ng Lenten messages.

Habang si administration Senator Juan Ponce Enrile, humingi ng pagkakaisa ngayong Semana Santa at nanawagan sa publiko na isapuso ang pagpapakasakit ni Kristo tungo sa mapayapa at masayang buhay.

Gayunman, sa kabila ng panawagang pagkakaisa, aminado si Enrile na nababalutan ng matinding katiwalian at eskandalo ang gobyerno ni Mrs. Arroyo kung saan mistula pang ikinumpara ang kasalukuyang administrasyon sa kalagayan ni Kristo na hinatulan ni Pontio Pilato.

Maging si Sen. Panfilo “Ping” Lacson, nanala­ngin ng pagbabago sa Pa­ngulo at inaming nakakapagod ang makinig sa mga kasinungalingan ng Malacañang.
“Sana pagkatapos ng Semana Santa, kabaliktaran ni GMA na kilala natin ang makita ng lahat ng Pilipino. Nakakapagod na rin naman magbantay ng katiwalian sa gobyerno niya at nakakasawa nang makinig sa mga kasinu­ngalingan para mapagtak­pan ang mga kasalanan nila sa bayan,” ani Lacson.

“Hindi maaaring ibaon sa limot ang katiwalian at maging sunud-sunuran at magbulag-bulagan ng Senado dahil lamang sa Semana Santa. Kahit Pasko pa o Bagong Taon ang dumaan ang nagkasala dapat managot,” pahayag naman ni Senate majority floor leader Francis Pangi­linan.

“The truth shall set us free,” pahayag ni Parañaque Rep. Roilo Golez nang hingan ng mensahe para sa administrasyon ngayong panahon ng pagninilay-nilay ng samba­yanang Kristiyano.

“Ang krus ng bansa ay korapsyon at hangga’t hindi nagagamot at nahuhugasan ang puso at kaluluwa ng mga corrupt sa gobyerno ay patu­loy ang paghihirap,” wika naman ni CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva.

 

Microsoft Internet Explorer 7