MARCH 20, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Panibagong kalbaryong naghihintay
Tonite Editorial


Mistulang kalbaryo pa rin ang kakaharapin ng sambayanang Filipino kahit matapos ang Semana Santa dahil sa nakaambang krisis sa bigas sa bansa.

Bukod sa krisis sa bigas, may banta rin ang gobyerno partikular ang Department of Agriculture (DA) na magkakaroon ng pagtataas sa presyo ng bigas sa lokal na pamilihan pero nakabitin pa sa ere kung magkano ang idadagdag na presyo.

Dahil krisis sa bigas, nariyan ang suhestiyong magpatupad ng ‘half rice formula’ sa mga restaurant upang maiwasan ang pagkasayang ng kanin.

Ganito na ba katindi ang krisis sa bigas na kakaharapin ng bansa dahil kailangang ipanukala ang ‘half rice formula’?

Ito na lamang ba ang natitirang solusyon ng gobyerno sa nakaambang problemang ito sa bigas?

Para sa amin, napaka-OA ng panukalang ito ng gobyerno dahil mismong ang Palasyo ay umaming walang kakapusan sa bigas na mararanasan maliban sa ipatutupad na pagtataas sa presyo.

Kung ganito ang senaryo, hindi kaya istilo lamang ng DA ang pagpapalala ng k­uwento sa kakapusan sa bigas nang sa gayun ay maisakatuparan nila ang mga na­kabinbing pag-aangkat ng bigas kagaya ng duda ng ilang mambabatas?
­Huwag naman sana. Huwag sanang gawing kasangkapan ang krisis sa bigas para magtaas ng presyo o ‘di kaya ay umangkat para may kumita na naman.

 

Microsoft Internet Explorer 7