MARCH 11, 2012 SUNDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
March 10, 2012
As of 2:45 pm
U. States 42.5000
Bahrain Dinar 112.732
Euro 55.7487
HK Dollar 5.47818
Japan Yen 0.515464
Saudi Riyal 11.3321
S’pore Dollar 33.8807
Taiwan Dollar 1.44509
UAE Dirham 11.5709
UK Pound 66.6060
 
Custom Search
Tirso, masayang malungkot
sa pagwawakas ng ‘Budoy’
Allan Diones
 

MIXED emotions si Tirso Cruz III sa pagtatapos sa ere ng teleseryeng Budoy nu’ng Biyernes nang gabi.


Masaya si Lolo Pip (tawag namin sa batikang aktor) na naging bahagi siya ng Budoy, pero malungkot din siya na nagkahiwa-hiwalay na ang cast na parang isang pamilya na ang turingan sa set.


Lagi silang masaya sa taping at sobrang naging close sila sa isa’t isa. Dahil sa Budoy ay ang da­ming nakilala ni Lolo Pip na real-life families na may kapamilyang katulad ng karakter ni Gerald Anderson.


Natutuwa siya na na-involve nang husto ang mga ito sa show nila at maging sila sa cast ay na-enlighten na dapat ay iniintindi at tinatanggap na miyembro ng society ang mga special people na kagaya ni Budoy.


At dahil tapos na ang Budoy, pumayag si Lolo Pip na mag-guest sa remake ng teleseryeng Valiente sa TV5.


Apat na linggo siyang gaganap bilang si Don Luis, na kukupkop at tutulong kay Gardo Valiente (JC de Vera) para labanan ang mapang-aping si Donya Trining (Jaclyn Jose).


Next week na ang ta­ping ni Tirso. Siya dapat ang gaganap na matalik na kaibigan dito ni Michael de Mesa (co-star niya sa orihinal na Valiente 20 years ago), pero dahil sa Budoy ay hindi niya ito natanggap at napunta ang role kay Mark Gil.


Bukod kay Tirso, papasok na rin sa cast ng Valiente sina James Blanco,  Roxanne Guinoo, Ramon Christopher, Toby Alejar, Sunshine Garcia, Meg Imperial at Jet Alcantara.


Nasa ikaapat na linggo na ang Valiente na maraming pumupuri sa mala­laking eksena at mahuhusay na pagganap, sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION