March 11, 2010 Thursday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
 
SEARCH Abante-Tonite
 
  HEADLINES
 
 
 
  SPORTS
  GREETINGS
  FEATURES FEATURES FEATURES
 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
 
 
Abante Online
SPORTS NEWS


 

PACQUIAO SA OSPITAL PUPULUTIN
Babala ng kampo ni Clottey

 

Mababasag ang mukha ni Manny Pacquiao pagkatapos ng laban nila ni Joshua Clottey ng Ghana sa March 13 (March 14, Manila time) sa Arlington, Texas.
Kasabay ng bantang ito, sinabi ng kampo ni Clottey na sa unang pagkakataon ay walang Pacquiao na sisipot sa post-fight party.
Kadalasan, pagkatapos ng bawat laban sa Las Vegas ay nagpa-party si Pacquiao, nagku-concert sa harap ng supporters at fans.
“For the first time, Manny won’t be able to perform (for his post-fight party) as he’ll go straight to the hospital by then,” paniniguro ni Kwaku Gyamfi, kababayan, dietician at cook ni Clottey.

Sa larawang ito kung saan kausap ni Manny Pacquiao si Freddie Roach ay may benda ang kanang kamay ng boksingero bukod pa sa may benda rin ang kanyang kanang tenga bunga ng laban niya kay Miguel Cotto noong Nobyembre. Mas higit pa umano rito ang sasapitin ng Pambansang Kamao ayon kay Joshua Clottey sa kanilang napipintong laban sa Linggo. (VTRomano)


Itataya ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight belt sa sagupaan nila ni Clottey, at pagkatapos ay naka-iskedyul ang post-fight party sa Texas Rangers Memorial Center Auditorium, ilang minuto lang mula sa Dallas Cowboys Stadium na pagdarausan ng 12-round fight na The Event.
“His (Pacquiao) face will be cut up and bruised. He’s going to be hit by a brick,” dagdag ni Gyamfi, ibinunyag na primer na ‘Road to Dallas’ na salmon at gulay ang kinakain ni Clottey sa training camp, pero pinapalakas ito ng African food.
Hindi pa nakakatikim ng knockdown ang 31-an­yos na Filipino superstar sapul nang pahalikin sa lona sa fourth round ni Serikzhan Yeshmangbetov sa Luneta noong 2003. Pero bumangon ang seven-division world champion para umiskor ng technical knockout sa fifth.
Mas simple pero kumpiyansa rin ang pahayag ng trainer ni Clottey na si Lenny de Jesus, dating cutman ni Pacquiao. Kung may bagong taktika si Pacman at si Freddie Roach, may sorpresa rin umano para sa kanila si De Jesus.
Nasa tabi ni Pacquiao si De Jesus nang labanan ng Pambansang Kamao sina Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Marquez, Fahsan 3K Battery, Emmanuel Lucero at sa unang pakikihamok kay Erik Morales.
Alam umano ni Roach na mapapalaban nang husto ngayon ang Filipino southpaw, base na rin sa ikinikilos ng four-time trainer of the year nitong mga huling araw.
“You can tell it because he (Roach) is not talking too much,” litanya ni De Jesus. “If he knows this is going to be an  easy fight, he would be talking a lot. But he’s very careful.”
Sa loob ng walong linggong pagsasanay, tumapos lang ng 90 rounds ng sparring si Clottey laban sa mga kaliweteng spar-mates kumpara sa 142 ni Pacquiao.
“Because we keep on sending them (spar-mates) out of the ring after every four rounds,” pagyayabang ni De Jesus.

 

Place your ads here
Microsoft Internet Explorer 7
Microsoft Internet Explorer 7
Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT