MARCH 10, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
NAKADIDISMAYA!
(ALLAN DIONES)
 

Dati ay malaking TV event para sa maraming Pinoy ang Bb. Pilipinas beauty pageant, pero ngayon ay tila ang mga bading na lang ang matiyagang tumututok at sumusubaybay dito.
Nu’ng Sabado nang gabi ay isang classic example kung bakit maraming manonood ang wala nang interes at na-turnoff na sa naturingan pa man ding most prestigious beauty tilt ng bansa.
Nakadidismaya ang pag­kabobita ng mga kandidata ng 2008 Bb. Pilipinas. Sabagay, marami na rin kaming napanood noon na mga kandidatang nagkalat at naging katawa-tawa sa kinatatakutang question and answer portion, pero tila ang mga kandidata this year ang isa sa worst batch kung ‘laman ng kukote’ ang pag-uusapan.
Para kaming nanonood ng ‘spoof’ ng isang beauty pageant dahil puro kapalpakan at kalokahan ang sagot ng mga contestant.
In fairness ay mas magagaling pang sumagot sa kanila ang mga baklitang sumasali sa mga gay beauty contest!
‘Yung early favorite at hinuhulaang makakakuha ng titulo na si Da­nielle Kirsten Muriel Castaño (candidate #8) ay okey ang English diction, pero hindi rin ito marunong sumagot.
Ang Alicia Mayer-lookalike na si Danielle ang humakot ng pinakamaraming special awards (Ms. Philippine Airlines, Ms. Ever Bilena, Ms. Photogenic, Ms. Natasha Poise and Grace at Ms. Bacchus Energy Drink), pero wala siyang naiuwing title at 1st runner-up lang ang beauty niya.
Ang alam namin ay balikbayan ang 18-anyos na dalaga, pero for a balikbayan ay hirap siyang i-express ang sarili niya in English, huh!
Imbes na overwhelmed ay ‘overwarmed’ (o ‘overwhermed’) ang sinagot niya kay Paolo sa simula ng interview.
Naging emosyal at napaluha naman ang #18 na si Elizabeth Jacqueline Nacuspag sa tanong ng celebrity judge na si Chris Tiu kung ano ang maituturing niyang isang perfect family.
Galing sa isang broken home ang dalaga kaya naapektuhan ito sa question. Ang ending ay 2nd runner-up lang siya.
Nagkalat din ang #2 na si Patricia Fernandez sa tanong kung sino ang ‘person she admires most’ na sinagot niya ng “Mother Teresa.”
Bukod sa mali-maling grammar ay kwela ang hirit niyang, “I believe all of us should do her!”     
Graduate daw ng Speech Communication sa UP ang 22-anyos na si Patricia, pero hindi namin ‘yon naramdaman. In fairness ay win ng Bb. Pilipinas-International title ang hitad.
Maayus-ayos ang sagot ng nagwaging Bb. Pilipinas-Universe na si Jennifer Barrientos (#7). Natuwa ang audience sa sagot niyang ang parents niya ang nilalapitan niya ‘pag meron siyang problema imbes na ang mga kaibi­gan niya.
Ang biggest (and surprise) winner of the night ay ang 17-anyos na estud­yante ng UE na si Janina San Miguel. Maganda si Janina, pero ‘nagkalat’ ang hitad at pinagtawanan sa kanyang nakababaliw na sagot sa Q&A portion.
Hagalpak ang lahat sa ‘bonggang-bonggang’ sagot ni Janina (na nga­yon ay pinagpipiyestahan na ang video clip sa YouTube).
Ang ending…win ang hitad ng titulo bilang Bb. Pilipinas-World!
Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!!!

 

Microsoft Internet Explorer 7