MARCH 10, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Sheena, ayaw na kay Rainier
ni: Joe Barrameda
 

Hanggang sa ngayon ay wala pa palang closure ang relasyon nina Rainier Castillo at Sheena Halili (na napansin sa papel niyang Monica sa telenobelang Marimar).
Kapwa produkto ng first batch of Starstruck sina Rainier at Sheena. Doon sila naging close at nagkarelasyon.
Naka-loveteam ni Rai­­nier si Yasmien Kurdi. Hindi makaalagwa ang acting career ni Sheena dahil lumalabas siyang kontrabida sa tambalang Rainier-Yasmien.
Masakit man at pulos sama ng loob ang nara-­
ram­daman ni Sheena no­on, kailangan niyang
mag­tiis at magsakripis­yo para sa kapakanan ni Rainier.
Inamin ni Sheena na noon ay sobra ang pagmamahal niya kay Rainier. Excited siya noon sa mga taping nila ni Rainier, kahit pa si Yasmien at hindi siya ang katambal ng kanyang mahal. (Magtatambal muli sina Rainier at Yasmien sa TV series na Tasya Fantasya.) 
Hindi malinaw ang sanhi ng break-up nila ni Rainier. Basta na lang nawala na ang kumunikasyon nila.
Na-depress nang husto si Sheena. Wala siyang magawa kundi iniyakan na lang ito.
Ngayon ay naka-move on na raw siya although hindi pa siya ready para kausapin ang dating boyfriend.
Wala raw problema kung makatrabaho niya muli ito. Wala siyang balak balikan ang dating boyfriend.
Ayaw niyang magsalita nang tapos pero kung liligawan daw muli siya ni Rainier, sana ay huwag na lang daw.
***
Ngayong Lunes kukunan ang wedding scene nina Bella Aldama at Sergio Santibañez sa Marimar.
Sina Ms. Wilma Galvante, Mother Lily Monteverde, MTRCB Chairman Consoliza Laguardia, Ricky Reyes, Douglas Quijano at German Moreno ang tatayong mga ninang at ninong.
Bukas ay may taping pa sila, at sa Biyernes ay live na mapapanood ang ‘wedding reception’ nina Bella at Sergio.
***
This week ay pupunta sa Amerika ang ilan sa mga GMA executive para suportahan si Manny Pacquiao sa fight niya kay Juan Marquez.
Susunod din ang co-host ni Pacquiao sa Pinoy Records na si Chris Tiu.
*** 
Nagkaroon ng preskon ang ABS-CBN noong Biyernes para i-launch ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.
Sina Kim Chu at Yeng Constantino ang humarap sa mga press na inimbita bilang produkto ng  Pinoy Big Brother Teen Edition at Pinoy Dream Academy, respectively.
Bale pag-iisahin ang dalawang ‘PBB’ sa bagong Pinoy Dream Academy Plus.
Sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales at Toni Gonzaga ang mga host plus Luis Manzano, kaya may plus ang bagong titulo ng PBB.
Ayon sa management ay magkakaroon din ng bagong logo ang  Pinoy Dream Academy.
Ang PBB Teen Edition Plus ay magsisimula sa Marso 23 at magkakaroon ng primer sa Marso 16.

 

Microsoft Internet Explorer 7