MARCH 10, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
DINGDONG, CONFIDENT SA BUKOL
ni: Allan Diones
 

Pormal nang inilunsad si Dingdong Dantes bilang pinakabagong celebrity endorser ng Bench Body sa isang fashion show sa TriNoma Activity Center nu’ng Sabado nang hapon.
3:45 PM nang magsi­rampa ang mga babae’t lalaking modelo sa pa­ngunguna ng Be Bench model search winners na sina Carlo Guevarra at Regine Angeles, habang sa gilid ng entablado ay tumutugtog ang Holy Water band.
Suot ng mga modelo ang ‘White Gold’ Summer 2008 collection ng Bench OJ (Overhauled Jeans) at iba pang co­lorful summer get-ups ng Bench.
Hiyawan ang audience pag-entra ni Dingdong. Sinabayan niya ang banda sa pagkanta ng Beep Beep bago siya saglit na rumampa sa catwalk nang naka-black sando at white jeans.
Pagkatapos magsi­rampa ng bawat batch ng models ay panghuling lumalabas si Dingdong. After sumayaw ng Kids at Work ay sama-sama na lahat ng modelo sa stage at finale si Dingdong na naka-black pants at white sando na may black overlap.
***
Pagkatapos ng maiksing show sa TriNoma ay dinala ng Bench ang mga imbitadong press sa may Guadalupe bridge para saksihan ang unveiling ng Bench Body billboard ni Dingdong.
Sa sinakyan naming coaster sumakay si Dingdong kaya habang nagbibiyahe kami papuntang Guadalupe ay iniinterbyu siya ng grupo namin.
Isang malaking karangalan para sa aktor na kinuha siya ni Mr. Ben Chan para maging bahagi ng Bench family.
“Para siyang ano sa akin dati, parang childhood fantasy or childhood dream. I never thought nu’ng bata ako na magagawa ko ‘tong bagay na ‘to!” nakangi­ting simula ng hunky actor.
“Kasi, I always see it (Bench ads na tampok ang iba’t ibang celeb models), hindi ko alam na kaya ko palang gawin. So, sabi ko sa sarili ko, one day baka magkaroon ng opportunity na magagawa ko siya.
“And then, ayoko nang banggitin ‘yung nangyari sa past, but the perfect opportunity came when Bench offered it at the right time. Kumbaga, perfect timing na I was in condition, I’m at the right shape and I really felt confident about myself. Nagkaroon lang ng perfect timing ang lahat,” masayang bulalas ni Dong.
Sa Subic kinunan ang sexy Bench pictorial niya na kakarampot na brief lang ang kanyang suot. Si Ronnie Salvacion ang photographer, si Noel Manapat ang stylist at si Juan Sarte ang makeup artist.
Isang araw lang kinunan ‘yon at nagpa-tan si Dong for the photo shoot kaya nagmukha siyang Latino model.
“Two weeks lang ako nag-prepare for the shoot itself, pero lagi akong hindi nagpapabaya, kasi baka biglang kailanganin ng ganitong photo shoot sa Dyesebel (susunod na GMA series na pagtatambalan nila ni Marian Rivera).
“So, pressured din ako to be in a different shape dahil iba yata ang gusto nila for Dyese­bel. Kailangan, continuous lang ‘yung strive mo for always wanting to be in shape and the right direction.
“Ang sa akin lang,
ayokong gawin na ang lahat sa isang show. Gaya itong sa Bench, it’s something na I really look forward to, na parang hindi naiiba sa Marimar. And Dyesebel will be a different thing,” aniya pa.
Kung magkakaroon siya ng pagkakataon, magsusuot ng Bench underwear si Dong sa Dyesebel.
***
Ayon kay Dingdong, walang naging hassle sa sexy pictorial niya sa Subic dahil mas komportable siya sa  outdoor shoot na katulad no’n kesa sa loob ng studio.
“I started as a dancer, di ba? Never ko ring naisip na magiging modelo ako. Kasi, alam natin na ‘yung model, ‘yung mga naglalakad na payat. So, sabi ko, parang hindi yata akong magiging model!
“I never thought. So, when I was posing and everything, parang na-feel ko na para akong legit model,” proud na sey niya.
Maraming nagsasabing lalong pagnanasaan at paglalawayan ang ka­seksihan ni Dingdong dahil sa kanyang underwear pictorial. Handa na ba siyang maging isang sex object?
“Well, you know,
everything depends on people’s perception. Like what I said, people may like it or people may not.
“Basta ako, at the end of the day, I enjoy doing it. I did it for myself and for those who share my sentiments, thank you na kahit papa’no, may naka-appreciate,” humble words ni Sergio Santibañez ng Marimar.
Okey lang daw kay Dingdong kung pagpantasyahan man siya ng buong bayan…
“Kung karapat-dapat ba, bakit hindi? I mean, it’s always a privilege! Pero like what I said, hindi ko pwedeng ipagpi­litan ‘yon, eh! Nasa mga tao ‘yon kung gusto nila o ayaw nila.”
Nailang ba siya nu’ng una niyang isuot ang skimpy underwear ng Bench at nag-pose siya sa harap ng kamera?
“Hindi naman. Kasi, once na magkaroon ng gano’n, hindi mo ma­tatanggal ‘yun, eh! Kailangan, sa umpisa pa lang ng shoot, kompor­table ka na.
“‘Yung Cosmo pictorial ko, iba naman ‘yun, eh! I would say na I’m in a much more better shape now than then. And mas gusto ko ngayon kesa noon. At saka ‘yung mga taong nandu’n sa photo shoot, umpisa pa lang, kumportable na ako with them, eh! So, hindi siya naging problema.”
Hindi rumampa nang naka-underwear si Dingdong sa formal launch niya nu’ng Sabado sa TriNoma dahil nirereserba ‘yon para sa mala­king underwear show ng Bench sa Hulyo sa Araneta Co­liseum.
***
Aminado si Dingdong na ang Marimar ang naging daan para lumabas ang kanyang mapa­ngahas at seksing image.
“Totoo ‘yon, totoo ‘yon! Kasi, like what I said, hindi lang sa pisikal, eh! ‘Yung Marimar kasi, nu’ng panahon na nagpahinga ako (pagkatapos ng telefantasya niyang Atlantika), limang buwan ‘yon eh…
“Parang ni-reinvent ko lahat pati approach ko sa acting, sa lahat na, kahit sa buhay nga, eh! Na mas magiging free flowing lahat, anything goes, walang hang-ups o kung anuman.
“Kung ayaw, okey; kung gusto, okey. From there kasi, nandu’n lahat, pati performance mo, maaapektuhan, eh! Pati pag-deliver sa cha­racter, lahat!” paliwanag niya.
Naging underwear endorser na rin siya dati, pero bakit sa Bench lang siya pumayag gawin ang ganito ka-daring na pictorial?
“Well, in fairness kasi, they (dati niyang endorsement) didn’t really give me that plan. Ang usapan lang kasi namin nu’ng panahong ‘yon was tops lang (walang underwear pictorial).
“And may limitations din ako noon. Kaya nga sabi ko, iba naman nga­yon. Although I still appreciate lahat ng nangyari sa akin sa dating brand na in-endorse ko dahil matagal din ako sa kanila at minahal ko sila nang sobra, kaya mara­ming salamat!”
Anong feeling niya na after Richard Gutierrez, Sam Milby and Piolo Pascual, kasama na rin siya ngayon sa mga bi­gating celeb endorsers ng Bench?
“Ang galing! Kasi, Bench is like the culminating spot of everybody. Dahil dito, walang istasyon-istasyon. Lahat kami, nagsasama-sama rito and bihira ‘yung mga okasyon na gano’n.
“At sa tingin ko, isa lang ang Bench na makakapag-reunite sa aming mga artista,” aniya.
Ang sabi ng ilang press kay Dingdong, mas may ‘edge’ siya sa ibang male models ng Bench dahil nagawa niyang ipakita ang kanyang seksing katawan samantalang ang iba ay hindi ka­yang magpaka-daring.
“Hindi, kaya rin naman nila, eh! Choice lang nila ‘yon. I mean, kanya-kanya lang ‘yan, eh! Ang sa akin lang, I really did it more for myself,” pakli niya.
Diretso naming tina­nong si Dingdong kung ‘confident’ ba siya roon sa nakita naming buma­bakat-bakat sa loob ng brief niya?
“Oo, kailangan! I have to be! Because you know, kung anong meron ka, magpasalamat ka na lang! Ha! Ha! Ha” natatawang sagot ni Dingdong, na ikinatili ng mga girlash at bading na press sa loob ng sinasakyan naming coaster.
Labis-labis ba ang pasasalamat siya sa kung anong meron siya?
“Basta, nagpapasa­lamat ako! Ha! Ha! Ha! Di ba? Sobrang nagpapasalamat ako!”
So, kung si Marian ay topless kung topless sa Dyesebel, siya naman ay trunks kung trunks (o brief kung brief)?
“Depende kay Direk Joyce (Bernal) ‘yun! Why not?!” nakangiting sambit ng hot new Bench Body hunk na si Dingdong Dantes.  

 

Microsoft Internet Explorer 7