Naghihimutok ang young actor nang nakausap ko ito kahapon dahil lalo raw naghihigpit ang mommy ng young actress na girlfriend niya dahil lang sa mga naririnig nitong tsismis.
Dati ay okay na okay si young actor sa mommy ni young actress. Naramdaman ni mommy na sobrang na-in love na rin ang anak niya kay young actor kaya naghigpit na ito.
Bukod pa riyan, nagpapaniwala si mommy sa mga nababasa niya sa diyaryo kaya apektado ngayon ang relasyon ng young stars.
Pati sa mga biru-biro lang tungkol sa pagiging playboy ni young actor ay nadadala na si mommy.
Naloloka na rin si young actress dahil naramdaman daw niyang seryoso sa kanya ang boyfriend at hindi siya paglalaruan.
Dati ay pumapayag agad si mommy kapag ipinagpaalam ni young actor si young actress na lumabas sila. Ngayon ay matinding hirap ang pinagdaanan ni young actor bago payagan si young actress.
Hindi masisisi ang overprotective mommy dahil bagets pa ang anak niya at kilalang mapaglaro sa girls si young actor.
Natatakot na rin si mommy dahil sobrang nahuhulog na raw ang loob ng kanyang anak sa young actor.
Ayaw lang idetalye ni young actor kung anong nangyari, pero nakatikim yata ito ng talak mula sa mommy ng kanyang girlfriend kaya nage-emote ito kahapon at ilang beses niyang idinaing sa aking You and Me Against the World ang drama nila.
Dahil diyan, lalo raw niyang patutunayan sa mommy ng young actress na hindi niya ito paglalaruan, at magiging seryoso siya.
Kahit ang pamilya ni young actor ay natutuwa sa kanya dahil ang laki na raw ng ipinagbago niya magmula nang maging sila nitong young actress.
Magandang impluwensya daw si young actress sa young actor kaya sana, sila na ang magkatuluyan.
***
Ilan sa mga aktor na close friends ni Dingdong Dantes ay parang malapit na ring makumbinsing mag-pose sa sexy pictorial dahil sa pictorial nito bilang bagong endorser ng Bench Body.
Kinumbinse na pala noon ni Dingdong si Paolo Contis na mag-pose na rin nang sexy sa pictorial, maaring sa Bench Body rin o sa Cosmopolitan, pero tumatanggi pa ito.
Tingin ni Paolo, hindi pa siya handa.
Ngayon ay okay na ang katawan ni Paolo kaya baka makumbinse na rin siyanng mag-pose para sa Cosmopolitan o sumali sa underwear show ng Bench sa July.
Ang laging palusot ni Paolo kay Dingdong ay hindi pa handa ang katawan niya kaya more workout pa sa gym. Para wala nang palusot, ini-sponsor pa raw ni Dingdong si Paolo ng gym sa Shangri-La.
Panay-panay ang ensayo ngayon ni Paolo at nagba-boxing pa siya sa Mojo Gym.
Baka alukin daw siya uling mag-pictorial na o rumampang naka-underwear, kakayanin na niya.
***
Itinanggi ni Claudine Barretto ang isinulat ko minsan dito tungkol sa pagpapalipat kay Angel Locsin ng dressing room dahil hindi raw sila binati.
Ipinakiusap ko sa isang kaibigan ni Claudine kung pwedeng klaruhin ang isyung iyun.
Itinanggi ito ng aktres. Hindi pa raw nangyari iyun na kung sakaling gawin daw iyun ni Angel sa kanya, hindi pa niya masabi kung ano ang gagawin niya.
Pero tingin daw niya, never itong gagawin ni Angel.
***
Maraming viewers ng Startalk ang nag-react sa sagot ni Iwa tungkol sa isyung nakita raw silang pumasok sa motel ni Mark Herras.
“Bakit pa po niya ako imu-motel, pwede naman sa bahay na lang,” mabilis na sagot ni Iwa na parang posibleng nagtsutsugihan sila ni Mark, hindi nga lang sa motel.
May ilang nag-react na parang may kabastusan daw ang sagot na iyun ni Iwa kay Manay Lolit.
Pero hindi raw na-offend doon si Manay Lolit sa sagot ng young actress. Napaka-candid nga raw ng sagot nito na halatang hindi siya nagsisinungaling sa pagde-deny tungkol sa isyu sa kanila ni Mark.
Maayos na sinagot ni Iwa ang isyu sa kanya ng Viva Hotbabe na si Sachie Sanders.
Nilinaw nitong hindi siya nang-ahas ng boyfriend ng may boyfriend at hindi siya nakikipag-away kay Sachie dahil lang sa lalaki.
|