Tiniyak ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na patuloy pa rin ang paghahanap ng opsyon ng gobyerno para maresolba ang standoff sa Sabah kung saan pinag-iisipan umano kung papaano magkakaroon ng win-win solution dito subalit nananatili pa rin ang kanilang apela na sumuko na ang mga tauhan ni Sultan Jamalul Kiram III.
Iprinisinta kahapon ng Quezon City Police District sa pamumuno ni Senior Supt. Richard Albano ang mga dinampot ng mga operatiba sa isinagawang “Oplan Galugad” na bahagi ng anti-criminality campaign ng Philippine National Police (PNP) kung saan naaresto umano ang mga taong may iba’t ibang rekord sa mga istasyon ng pulisya sa nasabing lungsod. (Art Son)
Kahit napagitnaan nina Arwind Santos (kaliwa) at Renaldo Balkman ng Petron, nakipagbuno pa rin sa rebound si Robert Dozier (kanan) ng Alaska. Tumabo si Dozier ng 18 points para giyahan ang Aces sa 83-73 win. (Patrick Adalin)
Wala nang bukas, ibubuhos na ng defending champion Far Eastern University at host National University ang lahat-lahat sa kanilang arsenal -- ‘ika nga ay pati pato’t panggulo -- sa game three ng UAAP season 75 men’s volleyball finals.