Pangunahing paksang tatalakayin sa sesyon ng Philippine Sportswriters Association Forum ang volleyball at basketball bukas ng umaga sa Shakey’s Pizza Parlor sa U.N. Avenue branch sa Ermita, Manila.
Ang volleyball topic ay iikot sa promosyon ng darating na 5th season ng Shakey’s V-League na pangungunahan ng mga Sports Vision official na sina Moying Martelino (chairman), Ricky Palou (director), Rhea Navarro (director), commissioner Tony Boy Liao, Shakey’s general manager Vic Gregorio, marketing director Meggie Jose at brand manager Coochy Mamaclay.
Samantala nakasentro naman ang basketball sa Philippine Basketball Association Legends Tour goodwill series sa California, USA na lalarga umpisa sa Marso 8.
Mapapakinggan ang programa, na suportado ng Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, ng live sa DZSR Sports Radio 918Am Band simula alas-10:30 ng umaga.
|