MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  Bustamante, segunda
 
Taipei --- Kinapos sa pananalasa si Joven Bustamante ng isang panalo lang para sana sa isang pagtatapos na Cinderella nang yumukod kay defending champion Chang Jung-lin ng host country, 11-5, sa pagtiklop ng opening leg kagabi ng 2008 Guinness Nine-Ball Tour sa Taipei Gymnasium dito.
Sorpresang tumapak sa finals sa kabila na wildcard lang sa tournament at sumargo nang magkakadikit na mga impresibong pananaig upang maiabante ang sarili sa final round, nagkaroon si Bustamante ng mga nume­rong unforced error at ‘di nakarekober mula roon na nagbi­gayraan kay Chang para mapasakamay ang titulo at pagdomina ng Taiwanese sa six-city Asian series.
Ang tagumpay ni Chang ay nagkakahalaga rin ng $15,000, samantalang nagkasya si Bustamante sa $6,000.
Sa kabila ng kabiguan na maging buenamanong Pinoy na magwagi sa leg ng Asian series sapul nang ma­ging Guinness Tour, nakamit ng Taiwanese ang lahat ng anim na yugto noong 2007, isang malaking karangalan na rin ito para kay Bustamante lalo’t nakaentra siya sa tumbukan na imbitado lang ng organizers, na nagkataon lang dahil sa pagkabakante ng 24-man field sa pag-
ayaw ng Tsina na magpadala ng manlalaro dahil sa isyung pulitika.
 

 


Microsoft Internet Explorer 7