MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  Magic minadyik ang Knicks
 
ORLANDO, Fla. (AP) --- Kinapos si Hedo Turkoglu sa triple-double sa pagtatapos ng 25 points, 10 assists at walong rebounds habang si Carlos Arroyo ay may 13 points, walong assists at iisang turnover lamang upang madyikin ng Orlando Magic ang nagulantang na New York Knicks, 118-92, noong Sabado sa Natio­nal Basketball Association action dito.
Naghari naman si slamdunk king Dwight Howard sa painted area nang magsalpak ng 26 points kasama ang pagsamantala sa pagkawala ni Knicks leading rebounder Zach Randolph upang magpiyesta sa pagsungkit ng 22 rebounds.
“I don’t want to get too excited,” ani Turkoglu. “It’s just one night, until the other guys come back.”
Wala sa Orlando ang kanilang mga guard na sina Jameer Nelson at Keyon Dooling dahil sa injury ngunit nakabawi naman sa trinabaho ni Rashard Lewis na 22 points at pitong rebounds habang si Maurice Evans ay may 11 markers.
Ito ang ika-52 NBA-leading double-double ni Howard at ikapitong game ngayong season na mayroon siyang mahigit na 20 points at 20 rebounds.
Nagpako si Jamal Crawford ng 23 points at pitong assists habang si Quentin Richardson ay nagdagdag ng 16 points at pitong boards para sa Knicks.
Lumamang pa muna ang Knicks nang mahigit sa limang puntos sa second quarter bago nakaresbak at lumayo ang Ma­gic gamit ang 13-0 run. May anim na puntos si Howard sa spurt at tinapos naman ito ni Lewis ng isang 3-pointer upang iagwat ang Orlando, 62-49, at di na muling lumingon pa.
Sa Houston, mas pinili ni Yao Ming na sumailalim sa surgery para ayusin ang stress fracture sa kanyang kaliwang paa, ayon sa Houston Rockets officials sa nasabi ring araw.
Sa Lunes (Martes, Manila time) na isasagawa ni Rockets team doctor Tom Clanton ang operasyon sa Houston. Noong nakaraang Martes inihayag ng team ang injury ng All-Star Center, at sinabing hihingi muna ng second opinion si Yao bago magdesisyon kung magpapaopera o hindi.
 

 


Microsoft Internet Explorer 7