MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


 

THE LONG WAIT IS OVER!

SLR may 1st All-Pinoy title na sa 15-taon

ni: VLADIMIR EDUARTE
Game over!
Si coach Boyet Fernandez ang last man standing nang maiuwi ng Sta. Lucia Realty ang kauna-unahang tropeo ng prangkisa sa All-Filipino Conference Lubos ang kaligayahan ni coach Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III nang bigyan siya ng victory ride ng kanyang players at supporters ng team makaraang giyahan niya ang Santa Lucia Realty sa kampeonato ng 2007-08 Smart PBA Philippine Cup sa Big Dome kagabi kontra Purefoods Tender Juicy Hotdogs. (John Paulino)makalipas ang 15 taon sa liga.
Nakarating sa Finals ang Sta. Lucia na ang sigaw ay “Believe” dahil wala halos naniniwalang aabot sila sa kampeonato.
Sa harap ng record attendance ng Araneta Coliseum na 18,167, kinaldag ng Realtors ang Purefoods Tender Juicy Hotdogs, 100-88.
Naglaro na parang wala ng bukas ang Realtors sa secnd half upang hablutin ang championship ng 2007-08 SMART Philippine Basketball Association Philipiine Cup.
Ikalawang kampeo­na­to ito ng prangkisa sa kabuuan sapul nang mapa­nalunan ang 2001 Governor’s Cup.
Sumisingasing ang Realtors pagpasok ng se­cond half ng ‘Super
Sunday’ thriller Game 7 sa Big Dome, nagpa­kawala ng 14-1 run sa kaagahan ng third para lumamang sa 58-50.
Pero hindi bumitaw ang Giants sa likod ng 13 puntos na kinamada ni Peter June Simon. Natapos ang third sa ga-buhok na kalamangan ng Realtors, 71-70.
Sa kalagitnaan ng deciding quarter, muling humataw ng 11-0 run ang Sta. Lucia, walo rito ay mula kay Dennis Espino, para sa 90-80 lead, 2:45 pa sa laro.
Hindi na nagawang makabalik ng Giants.
Bagama’t nadiskaril ang pagpapasabog sana ng berdeng lobo sa una sa dalawang pagtatangka sa kampeonato noong Miyerkules nang itakbo n Purefoods ang Game 6, hindi na pinaporma pa ng Sta. Lucia ang Giants.
Hinirang ng PBA Press Corps na Finals MVP si Espino sa kanyang kinamadang 29 points, 22 dito sa second half.
Bagama’t nabokya sa fourth, tumapos pa rin ng 17 points, 15 rebounds si 2006-07 rookie of the year at Best player of the Conference Kelly Williams. May 12 pa si Ryan Reyes at tig-11 sina Marlou Aquino at Nelbert Omolon.
Nanguna si Simon sa 27 points para sa Giants, dinagdagan ni James Yap ng 21, at may 11 points, 10 rebounds si Kerby Raymundo.
“To all the fans, para sa inyo ito. This is your championship, not ours,” pahayag ni Sta. Lucia manager Buddy Encarnado nang tanggapin ang Jun Bernardino trophy.
Hindi pinahiya ng Realtors ang mga supporters nilang hindi bumitaw sa paniniwala na kakayanin ng Sta. Lucia na akyatin ang tagumpay at maghari sa All-Filipino.
Box Scores:
Santa Lucia Realty 100 - Espino 29, Williams 17, Reyes 12, Omolon 11, Aquino 11, Yeo 9, Gonzales 7, MIiranda 4, Coronel 0, Daa 0.
Purefoods Tender Juicy Hotdogs 88 -- Simon 27, Yap, J. 21, Raymundo 11, Yap, R. 9, Pingris 7, Salvador  5, Adducul 4, Lanete 2, Yee 2, Evangelista 0, Castillo 0.
  Qaurters: 18-21; 44-45; 71-70; 100-88.
 

 


Microsoft Internet Explorer 7