Umaatikabong bakbakan mula umpisa hanggang katapusan ang inaasahan ngayong hapon sa San Juan Coliseum kaugnay ng Gentlemen Cockers Association of the Philippines (GCAP) 6-cock derby na muling itataguyod ng Sagupaan Complexor 3000.
Pangatlo sa serye ng mga pasabong ng GCAP ito na pagbabasehan sa mananalong 2008 Cocker of the Year.
Sa unang leg, solong nagkampeon si Gerry Ramos (Against All Odds) habang sina Boy de Roca at Rio Salceda (Cummings Power) at Eddie Gonzales (Imax) naman ang mga nanalo sa ikalawang leg.
Samantala, hindi bababa sa 35 entries ang inaasahan sa Sabado, Marso 8 sa “PE San Pablo 4-cock derby” ni Pol Estrellado.
|