Masasabak ang mga sikat na bigtime cocker ng Metro Manila sa isa pang mapaghamong 4-cock derby ngayong hapon sa bagong Makati Coliseum.
Sinigurado kahapon nina promoters Lito Orillaza, Rudy Salud at William Co ng WTJ Sports and Amusement Corporation, na hindi bababa sa P300,000 ang premyo rito, habang P11,000 naman ang entry fee.
“Maaaring mas malaki pa ang premyo dahil maraming entries ito,” ani Orillaza.
May malakas din itong suporta ng mga miyembro ng Pinoy Cockers Association of the Philippines (PCAP).
Nakaprograma naman sa Marso 10 ang pangatlong leg ng PCAP 5-cock derby at ang Winning Time 5-cock derby ni Atty. Rudy Salud sa Marso 12.
Sa mga detalye pa, makipag-ugnayan lamang sa Makati Coliseum na may mga teleponong 896-3545, 489-8828 at 895-6475.
|