MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  DND-AFP 21k sa Mar. 9
ni: Ramil Cruz
Magkakadaupang palad ang mga mananakbo sa Headquarters Philippine Air Force Grandstand ng Villamor Air Base sa Pasay City sa darating na Linggo, Marso 9 kaugnay ng pag-arangkada ng 7th Department of National Defense-Armed Forces of the Philippines Gintong Pangarap Invitational Half-Marathon (21-Kilometer) and 5K Fun Run umpisa sa ala-5:30 ng umaga at sa ala-sais ng umaga.
Nabatid kahapon ng Abante TONITE kina DND AFP Running Club, Inc. president/event chairman/project director MGen. Jovenal Narcise at running club secretary general Capt. Ferdinand Espejo, na nakataya ang mga tropeo, medalya at pera bilang papremyo para sa babanderang tatlong mananakbo sa pangkalahatan at sa pitong taon na mga kategorya para sa 21K at sa tatlo rin sa 5K overall sa dalawa ring mga dibisyon (lalaki at babae).
Lahat naman ng mga makakatapos sa mga nasabing distansya ay mga mag-uuwi ng sandong pantakbo at sertipiko bukod pa sa libreng almusal sa pakaripas na may bayad lamang na P150 para sa bawat isa.
Tinatanggap pa rin sa kasalukuyan ang rehistrasyon sa lahat ng Special Service Offices ng AFP sa pamamagitan ng mga sumusunod: Kay Sgt. Joel Deriada ng PAF sa BAV, Pasay; kay SNI Roda Capistrano sa Phil. Navy sa Roxas Boulevard, Malate, City of Manila; kay Sgt. Efren Castro sa Bontex ng Phil. Army sa Fort Bonifacio, Taguig City; at kay SNI Hazel Madamba sa General Headquarters ng PN sa Fort Bonifacio, Taguig rin.
 

 


Microsoft Internet Explorer 7