| THE LONG WAIT IS OVER! |
| Game over! Si coach Boyet Fernandez ang last man standing nang maiuwi ng Sta. Lucia Realty ang kauna-unahang tropeo ng prangkisa sa All-Filipino Conference makalipas ang 15 taon sa liga. |
| Tama uli sa ika-6 na taon ang Tams |
| Balik-pedestal ang Far Eastern University bilang pinakamaastig na koponan sa 70th University Athletic Association of the Philippines women’s volleyball matapos ang anim na taon. |
| Magic minadyik ang Knicks |
| ORLANDO, Fla. (AP) --- Kinapos si Hedo Turkoglu sa triple-double sa pagtatapos ng 25 points, 10 assists at walong rebounds habang si Carlos Arroyo ay may 13 points, walong assists at iisang turnover lamang upang madyikin ng Orlando Magic ang nagulantang na New York Knicks, 118-92, noong Sabado sa National Basketball Association action dito. |
| Bustamante, segunda |
| Taipei --- Kinapos sa pananalasa si Joven Bustamante ng isang panalo lang para sana sa isang pagtatapos na Cinderella nang yumukod kay defending champion Chang Jung-lin ng host country, 11-5, sa pagtiklop ng opening leg kagabi ng 2008 Guinness Nine-Ball Tour sa Taipei Gymnasium dito. |
| Ballgames isyu
sa PSA bukas |
| Pangunahing paksang tatalakayin sa sesyon ng Philippine Sportswriters Association Forum ang volleyball at basketball bukas ng umaga sa Shakey’s Pizza Parlor sa U.N. Avenue branch sa Ermita, Manila. |
| Nationals’ Day |
| Dinomina ng limang kasalukuyang pambansang atleta ang sinabakan ng 1,800 mananakbo na Condura Race For Tubbataha 2008 paalis at pabalik sa NBC Tent Open Grounds ng Bonifacio Global sa Taguig City kahapon ng umaga. |
| DND-AFP 21k sa Mar. 9 |
| Magkakadaupang palad ang mga mananakbo sa Headquarters Philippine Air Force Grandstand ng Villamor Air Base sa Pasay City sa darating na Linggo, Marso 9 kaugnay ng pag-arangkada ng 7th Department of National Defense-Armed Forces of the Philippines Gintong Pangarap Invitational Half-Marathon (21-Kilometer) and 5K Fun Run umpisa sa ala-5:30 ng umaga at sa ala-sais ng umaga. |
| Makati 4-cockfest ngayon |
| Masasabak ang mga sikat na bigtime cocker ng Metro Manila sa isa pang mapaghamong 4-cock derby ngayong hapon sa bagong Makati Coliseum. |
| GCAP derby, bibitawan na |
| Umaatikabong bakbakan mula umpisa hanggang katapusan ang inaasahan ngayong hapon sa San Juan Coliseum kaugnay ng Gentlemen Cockers Association of the Philippines (GCAP) 6-cock derby na muling itataguyod ng Sagupaan Complexor 3000. |





