MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
May ibang girlfriend ang boyfriend
Payong Kapatid ni: Kuya Rom
 

Dear Kuya Rom,
Three years ago, mag­kasama kami ng boyfriend sa trabaho. Four years na kami at sa tagal ng aming relasyon, marami na kaming napag-usapan tungkol sa pagpapakasal at aming magiging pamilya. Pero nang magkasakit ang father ko sa province at kailangan niya ng mag-aaalaga sa kanya dahil patay na ang mother ko, lumipat ako ng trabaho na malapit sa bahay namin sa probinsiya pan­samantala. Mabait ang employer ko rito sa Manila at sinabi sa akin na maaari akong bumalik sa trabaho rito anumang oras.
Nang lumipat ako ng trabaho last year, may mga pagbabago sa a­ming relasyon ng aking boyfriend. Hindi niya kasi gusto na magkalayo kami. Sabi ko sa kanya, babalik naman ako para magpakasal kami.
Hindi raw siya maka­paghihintay ng matagal. Pinaliwanag ko sa kanya na gusto ko lang ipakita ko sa ama ko ang pagma­mahal ko sa kanya habang buhay siya. Babalik din ako.
Pero mula nang nasa probinsiya ako, umiiwas na siyang makipag-usap sa akin kahit sa text. Hindi rin niya ako binati noong birthday ko.
One year na akong nasa probinsiya ngayon at nagulat ako nang ma­laman ko na ikakasal na raw ang boyfriend ko sa ibang babae. Tinawagan ko siya sa trabaho at inamin niya na may iba na siyang girlfriend ngayon at may nangyari na sa kanila. Pero sabi niya, kung babalik ako ngayon sa Manila, ako pa rin ang kanyang pakakasalan.
Sinabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya, pero sabi ko sobra naman ang ginawa niyang pakiki­pagrelasyon sa babaeng ito. Hindi siya nakakibo. Ano po ang gagawin ko? -- Marigy

Dear Marigy,
Sapagkat tatlong taon kayong magkasama sa trabaho, laging malapit sa isa’t isa, nagkikita at nag-uusap araw-araw, palaging magkasama sa oras ng meryenda, pa­nanghalian at hapunan, at madalas lumabas, hindi nakayanan ng iyong boyfriend na makita kang lumayo.
Maaaring siya ay isang taong hindi makatagal na wala sa kanyang paningin ang mahal niya sa buhay. Ito ay tinatawag sa separation anxiety disorder na maaaring nagsimula noong bata siya at bahagi na ito ng kanyang pagkatao ngayon. Dahil dito, wala siyang kapasidad para maunawaan na kailangan kang lumayo para pagsilbihan ang iyong amang may sakit.
Sa parte mo, isang kahanga-hangang desis­yon ang ginawa mo para paglingkuran ang iyong ama. Ikaw ay kakaiba sa maraming kabataan ngayon na walang pagpapahalaga sa kanilang mga magulang.
Pero hindi matanggap ng boyfriend mo na magkakahiwalay kayo pansamantala. Dahil sa matinding lungkot mula nang ikaw ay nagtrabaho sa probinsiya, ang boyfriend mo ay natuksong makipagrelasyon sa iba.
Nasaktan ka talaga sa pangyayaring ito pagkat all this time ay naging tapat ka sa pag-ibig mo sa kanya. Mahal mo pa rin siya hanggang sa ngayon kahit na huminto na siya ng pakikipag-ugnayan sa iyo. Ang masaklap, hindi nakita ng boyfriend mo kung paanong nagdurugo ang puso mo at kung gaano ka katapat sa kanya habang ikaw ay nasa malayong lugar. Hindi niya ito nakita pagkat nakatuon lamang siya sa kanyang sarili.
Ang boyfriend mo ay self-centered samantalang ikaw ay other-centered. Magkaiba kayo ng pananaw. Dahil sa laki ng pagmamahal mo sa kanya, maaaring hindi mo ito nakita noon. Nais kong maunawaan mo na nagiging masalimuot ang pagsasama ng dalawang taong may magkaibang pananaw sa buhay.
Anong gagawin mo ngayon? May payo para sa iyo, Marigy. Aba­ngan!
Payong kapatid,
Kuya Rom

 

 

Microsoft Internet Explorer 7