MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Noli naiipit sa resign call
ni: Rey Marfil
 
Ganito inilarawan ni Senate majority floor leader Francis Pangilinan ang kasalukuyang kalagayan ni Vice President Manuel “Kabayan Noli” De Castro Jr. sa gitna ng lumalakas na panawagan para magbitiw na sa kanyang puwesto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon kay Pangilinan, isa sa malapit kay De Castro na kabilang dati sa Wednesday Group ng Senado, naiipit ang Vice President kung paano poposisyon lalo pa’t magkakaiba ang interes ng mga nananawagan sa resignation ni Mrs. Arroyo at naghahanap ng katotohanan sa likod ng mga katiwalian sa gobyerno.
Kapag pinaboran ni De Castro ang panawagang resignation ni Mrs. Arroyo, ito’y posible aniyang maakusahang ganid sa kapangyarihan at nagmamadaling makaupong Pangu­lo, katulad ng akusasyon sa kasalukuyang administrasyon.
Sa harap naman ng pananahimik ni De Castro tungkol sa kaliwa’t kanang corruption sa gobyerno ni Mrs. Arroyo, ayon kay Pangilinan, ito’y napagbibintangang kakampi ng Pangulo at kinukunsinte ang masamang gawain ng administrasyon.
“Mahirap ang lagay ni VP Noli. Kapag sinabi niyang mag-resign na si PGMA, sasabihin ng iba nanggigigil siyang makaupo. Kapag di naman siya magsalita, sasabihin kinukunsinte niya ang ‘di umano’y katiwalian at pang-aabuso sa gobyerno,” ani Pangiinan.
Sala sa init at sala sa lamig ang sitwasyon ni De Castro, katulad aniya ng isang taong naiipit sa nag-uumpugang bato subalit mas nakabuti ang pagbibigay-linaw ng Vice President sa isyung kailangang mahanap ang katotohanan sa likod ng mga eskandalo, maging ang kahandaang maupo sakaling mapatalsik si Mrs. Arroyo.
Samantala, ikinumpara ni Senate minority floor leader Aquilino “Nene” Pimentel Jr. sa sumpit ang Vice President kung saan magkabilaan ang butas.
Bagama’t pabor sa pag-upo ni De Castro bilang kapalit ni Mrs. Arroyo, hindi maitago ni Pimentel ang matinding pagkadismaya sa posisyon ng Vice President ngayong mainit ang panawagang pagbibitiw ng Pangulo.
Kung mayroong paninindigan si De Castro at gustong tapusin ang krisis na nagaganap sa Pilipinas, ito’y kailangan aniyang magpakita ng tapang, hindi katulad ng ginagawang paninimbang sa magkabilang butas at naghihintay lamang ng grasya sa kalangitan.
“Iyan ang galing ni Noli, lalabas na ok sa kanya ang demonstrasyon laban kay Gloria pero di niya sasabihin kung bakit. Sa Bisaya para siyang ‘tayhup’... Luyo-luyo bangag,” resbak ni Pimentel kay De Castro.
 

Microsoft Internet Explorer 7