MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
De Venecia sisibakin na sa Lakas
ni: Eralyn Corvera Prado
 
Hindi na mapipigilan ang pagpapatalsik kay dating House Speaker Jose de Venecia Jr. bilang pangulo ng ruling party Lakas-CMD.
Ngayon araw inaasahang magpupulong umano ang executive committee ng partido upang isapinal ang tuluyan nang pagsipa kay De Venecia.
Matatandaang kinumpirma ni Lakas member at Quezon City Rep. Matias Defensor ang consensus ng mga miyembro ng partido na mapipilitan silang muling gawin kay De Venecia ang sinapit nitong pagpapatalsik bilang pinuno ng Kamara kung hindi ito kusang magbibitiw bilang pangulo ng Lakas-CMD.
Samantala, ipinahayag ng isang source na isa umano si House Speaker Prospero Nograles sa ikinukunsiderang ipapalit kay De Venecia.
Bukod kay Nograles kabilang din sa listahan ng mga posibleng ipalit kay De Venecia sina Sen. Juan Miguel Zubiri, secretary general ng Lakas-CMD; Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr., dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr., Lakas vice president for recruitment at Metro Manila Development Authority chairman Bayani Fernando.
 

Microsoft Internet Explorer 7