MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
GMA BABAGSAK SA STUDENT POWER
ni: Rey Marfil
 
Sa ipinapakitang pagtanggap ng mga estudyante kay dating Philippine Forest Corporation (Philforest) president Rodolfo Lozada Jr. na naglilibot sa iba’t ibang paaralan, anumang araw maaaring mag-peak o umabot na sa sukdulan ang galit ng mga kabataan at magsisilbing susi ang mga ito sa maagang pagbibitiw ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Dalawang buwan ang deadline na ibinigay ng anti-Gloria forces upang isakatuparan ang pagpapatalsik kay Mrs. Arroyo matapos ang matagumpay na inter-faith rally sa Makati City noong Pebrero 29.
Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkumpirmang tuluy-tuloy ang gagawing pagkilos ng anti-Gloria forces at walang balak aniyang tantanan ang kasalukuyang occupant ng Malacañang hangga’t hindi nagbibitiw sa puwesto sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.
Aniya, sa ipinakitang puwersa ng anti-Gloria forces noong Pebrero 29, mas lalo pang magsisigasig ang grupo sa pagkilos upang mapabilis ang pagbaba ni Mrs. Arroyo kung saan inaasahan ng mga itong pangungunahan ng mga estudyante ang mas malaki pang rally na ikakasa ng oposisyon.
GISING NA ANG
KABATAAN
Ngayong gising ang kaisipan o kamalayan ng mga kabataang estudyante sa katiwaliang kinasasangkutan ni Mrs. Arroyo, mas marami pang pagkilos mula sa iba’t ibang unibersidad ang ilulunsad kung saan wala aniyang magagawa ang Pangulo kundi mag-resign na ito.
Sa ngayon, walang ibang option ang oposisyon kundi itulak si Vice President Manuel “Kabayan Noli” De Castro Jr. bilang kapalit ni Mrs. Arroyo subalit kailangan aniyang maagap ang una dahil posibleng madamay sa galit ng mga estudyante kapag patuloy itong mananahimik at magtatago sa kanyang opisina.
“Ngayon dapat magsalita si Noli kasi baka madamay siya sa galit ng tao. Posibleng dalawa silang mapatalsik. Kung dalawang buwan na ganito, siguradong mapipilitan si Gloria mag-resign, wala siyang ibang option,” anang source.
Hindi rin sukat akalain ng source ang malaking partisipasyon ng mga estudyante noong February 29 rally, malinaw aniyang hindi bayaran, katulad ng press release ng Malacañang ang mga sumama sa pagkilos at madodoble ang puwersa sa hinaharap dahil walang `senyales’ ng pagbabago si Mrs. Arroyo.
“Hindi mo pupuwedeng sabihing bayaran iyong mga nag-rally kasi mga estudyante. Iyan ang malaking problema ni Gloria ngayon. Padami ng padami ang sasama sa rally kaya’t walang choice siya kundi mag-resign,” anang source.
Kung dalawa hanggang tatlong buwan ang palugit kay Mrs. Arroyo, posibleng si De Castro aniya ang magbubukas ng sesyon sa Hulyo sa Batasan Complex at kapag naiba ang sitwasyon o nadamay ang Vice President sa galit ng mamamayan, maaaring magkaroon ng caretaker government sa katauhan ni Chief Justice Reynato Puno.
“Makikita mo naman kahit saan magpunta si Jun Lozada, galit na galit ang mga estudyante kay Gloria. Paano mo sasabihing bayaran ang mga estudyante. Ito’y malaking insulto sa kanila kaya tingin ko, hinog na,” dagdag pa ng source.
`CRITICAL MASS’ MALAPIT NA
Ganito inilarawan ni United Opposition (UNO) spokesman Atty. Adel Tamano ang matagumpay na inter-faith rally sa Makati noong nakaraang Biyernes.
“There will be more rallies to come. We believe that the rally last Friday has led to a snowballing effect,” ani Tamano.
“We are beginning to reach a critical mass,” pahayag ni Tamano sa isang local radio dahil ang mga kilos-protesta aniya sa Maynila ay sinabayan ng maliliit na rally sa mga pangunahing siyudad sa buong bansa.
Samantala, ipinahayag naman ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) secretary general Renato Reyes na ipinakita sa rally noong Biyernes sa Makati ang “strongest rejection” kay Mrs. Arroyo.
“This is an encouraging sign of political maturity among Filipinos,” ayon kay Reyes. Idinagdag pa nito na magkakaroon ng kasunod na kilos-protesta sa Marso 8 kasabay ng International Women’s Day. (With AFP)
 

Microsoft Internet Explorer 7