MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Bagitong kongresistang astang presidential son
Hulaan Blues ni: Bernard Taguinod

Bagama’t walang koneksyon sa Malacañang at lalong hindi anak nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo, pormang presidential son ang isang bagitong miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ang obserbasyon ng DPA ng TONITE hinggil sa mambabatas na ito dahil pormang Presidential Security Group (PSG) ang kanyang mga bodyguard na nakadikit sa kanya kahit sa loob ng session hall.
Kung hindi mo kasi kilala ang kumag at makasalubong mo sa daan, pagkakamalan mo siyang miyembro ng First Family dahil animo’y PSG ang kanyang mga alalay.
Kopyang-kopya kasi ng mga bodyguard ng kulokoy ang porma ng mga tunay na PSG na mayroong nakasalpak na earphone sa tenga na katulad ng mga ginagamit ng mga nagbabantay kay Arroyo at mga miyembro ng pamilya nito.
Ang malupit sa lahat, kapag tumatakas ang mokong habang nagsesesyon ang kanyang mga kapwa mambabatas, agad na nakadikit sa kanya ang kanyang mga bodyguard na pormang PSG na animo’y nababahala na maging sa loob ng gusali ng Kongreso ay nanganganib ang buhay ng kanilang amo.
Maging ang kanyang mga staff ay animo’y advance party ang arrive dahil nauunang pumapasok ang mga ito sa session hall bago siya papasok at kapag lalabas naman ay sesenyas ito para mauna sa kanyang paglabas at sasalubungin na lamang siya sa exit.
Kulang na lamang na may magsuot ng guwantes sa kanyang mga tauhan para hindi maligaw sa pupuntahan tulad ng ginagawa ng mga PSG kapag may lakad ang mga miyembro ng First Family lalo na ang Pangulo.
Walang dugong Arroyo na nananalaytay sa ugat ng kongresistang ito kundi sipsip lang ang kanyang mga magulang sa Malacañang as in ta­ga­pagtanggol ng Pangulo.
Parehong may hinahawakang posisyon kasi ang mga magulang ng mokong na ito kung saan ang kanyang ina ay kilalang kaalyado ni Mrs. Arroyo at magaling manira ng kredibilidad sa mga taong nagbubunyag ng katiwalian ng administrasyon.
Nakapasok lamang sa Kongreso ang kumag dahil sa kanyang mga magulang at nagpanggap na kinatawan ng isang grupo na hindi nakakakuha raw ng sapat na atensyon sa gobyerno.
Clue: Kung kinatawan ng party-list ang mokong na ito o may distrito ay hindi ko sasabihin. Mas sikat ang kanyang nanay kaysa sa kanya na siyang pambato ng kanilang pamilya kaya nakilala ang kanilang apelyido sa mundo ng pulitika. Mayroon itong inisyal na S as in Simbahan ang laki ng katawan.

 

Microsoft Internet Explorer 7