Ilulunsad ngayong araw na ito, kasabay ng Hair Asia’s Annual National Open Championship for Hair and Makeup sa World Trade Center, Roxas Blvd., ang summer issue ng Hair Asia magazine kung saan nasa pabalat si Heart Evangelista.
Samantala, trip to London para dumalo sa Salon International ang grand prize sa Hair Asia tilt ngayon. Ayon sa Hair Asia president and CEO na si Evelyn Alvaran-Cruz, “Once in a lifetime ang Salon International experience. Bukod sa maraming matututunan doon, maari mo pang makadaupang palad ang mag sikat na hairstylists tulad nina Andrew Barton, Angelo Seminara, Tim Hartley, Patrick Cameron and Lee Stafford, the golden boy who gives the world’s most expensive cut.”
Kasabay ng paligsahan sa pagpapaganda ang Hair Asia Trade Expo kung saan makakabili ang mga salon owner at beauty workers ng mga latest vanity products, gadgets and equipment sa murang halaga.
Para sa ibang impormasyon, mag-log on sa http://www.hairasia.com.ph o mag- email sa hairasia@hotmail.com.
Pwede ring tumawag sa Hair Asia, tel.# 415-2724
|