Inihayag ng ABS-CBN Broadcasting Corporation na si Charo Santos Concio ang bagong Presidente ng kumpanya simula noong Sabado, Marso 1, 2008. 
Siya ang ikalimang Presidente ng ABS-CBN.
Nagsimula si Charo sa ABS-CBN bilang Consultant noong Hunyo 24, 1987. Na-promote siyang Director for Programs noong 1989, VP of Production Operations noong 1991, at Senior Vice President of TV Production noong 1996.
Nang italaga sa kanya ang responsibilidad ng entertainment content ng ABS-CBN noong 1998, na-promote siya bilang Executive Vice President.
Abril 1, 2006, naging Head for Channel 2 si Charo kung saan napunta sa kanya ang buong responsibilidad ng business. Napagsama niya ang pagtutulungan ng Sales, Marketing, at Production.
Noong nakalipas na taon, natapos ni Charo ang Advanced Management Program sa Harvard Business School.
***
Gaganapin ang HIGH FIVE: A Magical Adventure on the Five Senses sa Abril 14-20, 2008, sa Samba Likhaan Artists’ Community, Road 3 (malapit sa St. Luke’s), E. Rodriguez Av., QC.
Ang anim na araw na ‘living-out’ camp na ito ay para sa mga batang 7-12 y/o.
Handog ito ng SNACK (Summer Nature and Arts Camp for Kids) ni Bibsy Carballo at Color Me Mine ni Emma Reyes Pante.
Kabilang sa aktibidades nito ang basic exercises & wellness (sa pangunguna ni Jackielou Blanco), basic takewondo (Monsour del Rosario), acting primer (Adriana Agcaoili), kite-making & flyng, painting, sculpture, ceramic painting & clay molding, dance, cooking at silk screen art.
May dicount para sa early bird at grupo ng tatlo na magre-rehistro bago lumagpas ang Marso 15 (Sabado).
May optional activity sa Abril 16 pero may dagdag na bayad ito – sailing, kayaking, orienteering at trekking up Taal Volcano.
Para sa mga detalte, tumawag sa tel.# 687-0801 (Color Me Mine Shangri-La Mall) o mag-text sa cell# 0918-672-8882.
***
Gaganapin ang 1st I-Witness Docu Seminar sa Abril 5 sa Quezon City.
Libre ito pero pipiliin ang participants.
Idi-discuss dito nina Howie Severino, Jay Taruc, Sandra Aguinaldo at Kara David ang techniques of ng kanilang award-winning documentaries.
To apply, submit your resume and a 400-800 word essay in English or Filipino about your favorite I-Witness episode
by email to iwit.docufest@gmail.com; snail mail to I-Witness, GMA Network Center, Diliman, Quezon City
80 participants ang pipiliin para sa libreng seminar na ito.
Ang aplikasyon ay hanggang Marso 15.
***
Max at Emme ang mga pangalan ng kambal nina Jennifer Lopez at Marc Anthony.
Kinumpirma ito ng manager ni Jennifer na si Simon Fields noong Biyernes sa magasing People.
Ang kambal ay iniluwal ni Jennifer noong Pebrero 22 sa isang ospital sa Long Island, New York.
Ang report na ito ay hinalaw sa AP (Associated Press).
|