Puno ang Zirkoh-Greenhills nu’ng Sabado nang gabi sa back-to-back show ng boyz.com at ng komedyanang si Rubirubi.
Hindi namin lalaitin ang boyz.com gaya ng ginawa namin after naming mapanood ang show ng The Studs dahil in fairness kina Polo Ravales, Joseph Bitangcol, Frank Garcia, Gabb Drilon at Alwyn Uytingco ay mas may karapatan silang mag-perform at mas may showmanship ang grupo nila kumpara sa The Studs (nina Dion Ignacio, Mike Tan, JC Cuadrado, atbp.)
Marunong pumili ang manager ng boyz.com na si Direk Manny Valera ng mga kantang babagay sa grupo, tulad ng opening song nilang Me Love (ni Sean Kingston) na sinundan ng Take You There (ni Kingston pa rin).
In fairness ay mas confident nang kumanta ang grupo at mas nagbi-blend na ang mga boses nila, gaya roon sa senti song nila na Apologize (ng OneRepublic).
Sina Polo at Joseph lang ang may solo spot number. Kumandong sa isang girl sa stage si Polo habang bumabanat ng Crazy for You (ng Sponge Cola).
Ang lakas ng tilian kay Joseph sa Justin Timberlake number niya na SexyBack.
Sina Polo at Joseph daw ang single sa grupo dahil kapwa may non-showbiz girlfriend sina Frank at Gabb, habang si Alwyn ay nobya ang Koolchx member na si Princess Ryan. May sexy Britney Spears number ang former PBB Teen housemate na si Niña Jose kasama ang boyz.com. Matangkad, maganda ang mukha at katawan ni Niña pero medyo kulang pa siya sa ‘elya’ kapag sumasayaw.
Fresh ang dating ni Niña at pwede siyang makipagsabayan ng paseksihan sa hot FHM babes na tulad nina Katrina Halili at Cristine Reyes.
Nu’ng Biyernes ay opisyal nang naging Regal baby si Niña sa pagpirma niya ng 8-picture exclusive contract kay Mother Lily Monteverde.
Kasamang pumirma ni Niña ang isa pang alaga ni Direk Manny na si Hazel Ann Mendoza na palaban na rin sa paseksihan.
Guest din sa show ng boyz.com si Hazel Ann at may ballroom number sila ni Rubirubi.
***
Beterana ng comedy bars si Rubirubi kaya sanay siyang mangiliti ng live audience. Binuhat-buhat ang hitad at itiniwarik ng kanyang backup dancers sa opening number niyang Queen of the Night (ni Whitney Houston).
Applauded ang kanyang rock medley na pinagsama niya ang foreign songs at hit songs ng mga local band natin. Hindi kasinlakas ni Ai Ai delas Alas o ni Pokwang ang stage presence ni Rubirubi, pero kwela rin siya at nakaaaliw ang mga hirit niya.
May boses din ang hitad at keri niyang awitin pati bossa nova. Isa-isa niyang nilaswa ang limang boys sa entablado, na bawat isa ay sinisipat niya ang utong at binibigyan ng ‘nipple rating.’
8 ang rating niya sa pinkish nipple ni Gabb; 8.5 sa mabuhok na ‘crunchy biscuit’ nipple ni Joseph; 9 sa protruding pinkish nipple ni Polo; 9.5 sa ‘juicy nipple’ ni Frank na maliit ang areola; at hindi niya ni-rate si Alwyn pero malamang 10 ang ibigay niya sa ‘creamy nipple’ nito dahil si Alwyn ang pinaka-type ng hitad sa grupo.
Umiiwas si Polo nu’ng akmang hihipuan siya ni Rubirubi, kaya hirit ng hitad, “Bakit ka umiiwas? Isipin mo na lang, ako si Jean Garcia!”
Humingi pa si Rubirubi ng atsara pagkakita sa maumbok na utong ni Polo.
Ang tingin naman daw niya kay Frank ay ‘sex’ at ‘condom’ (dahil may TV commercial ito ng condom).
Manamis-namis ang tingin niya kay Alwyn dahil aminado ang hitad na isa siyang bagets killer.
“Love mo siya? Nag-anuhan na kayo?” tanong ng hitad kay Alwyn patungkol sa pretty GF nitong si Princess Ryan.
Nanood ng show ng boyz.com ang nali-link ngayon kay Polo na si Jean Garcia kasama ang daughter nitong si Jennica na ka-join ang ka-loveteam na si Mart Escudero.
Nasa audience din sina Mother Lily, Direk Joel Lamangan, Direk Gil Portes, Direk Rahyan Carlos, Direk Gil Tejada, Princess Ryan at Jacky Woo.
|