Hindi kami makapaniwala sa tsikang nagmotel ang dalawang artista ng Joaquin Bordado na madalas mag-taping sa Marikina.
Madalas kaming nasa set ng nasabing telefantasya at saksi kami sa kakalugan nina Mark Herras at Iwa Moto.
Walang malisya si Iwa sa mga kasamahang lalaking artista sa set ng Bordado.
Natatawa ang EP at AP ng Joaquin Bordado. Dapat sila raw ang matsismis dahil sa halos araw-araw na taping ng Joaquin Bordado ay sa motel na sa area sila natutulog. Kaya naman pala madalas sumasama ang panahon dahil magkasiping ang isang bading at isang tomboy!
Hahaha!
Hindi kailangan ng Joaquin Bordado ang mga ganoong intriga sa lakas nito sa ratings.
Gaya ng Marimar at Kamandag ay sinusubaybayan ito ng balana, lalo na ngayon na kumikilos na ang mga tatoo ni Joaquin (na ginagampanan ni Robin Padilla).
***
Hindi pa man nakapagpahinga si Tirso Cruz III mula sa Amerika ay subsob agad siya sa trabaho bilang ama ni Glaiza de Castro sa sinenobelang Kaputol Ng Isang Awit sa GMA 7.
Kasama si Nora Aunor, nagkaroon sila ng show sa Oxnard, California. Hindi nasipot ni Tirso sa unang show dahil hindi agad siya nabigyan ng visa.
Hindi ito gaanong nakaapekto sa panglawang show dahil happy ang producer sa turnout ng mga tao.
Kasama sa show na iyon si John Rendez na John Porter Jr. na ang ginagamit na pangalan.
Dahil sa magandang resulta ng concert ay may follow up ito sa July at October.
***
In fairness, napuno ni Rubi Rubi at ng Boy.Com ang Zirkoh Greenhills nu’ng Sabado nang gabi kahit hindi sila ganoon kagagaling kumanta.
Ayon sa nakuha naming impormasyon ay 100+ ang walk-in at ang iba ay may mga ticket in advance. (Ewan kung bayad ‘yun o complimentary.)
Nag-enjoy ang mga nanood, lalo na kay Rubi Rubi.
***
Hindi man makararating si Senador Jinggoy Estrada sa wedding nina Bella Aldama (Marian Rivera) at Sergio Santibañez (Dingdong Dantes) sa Marimar ay minabuti ng pamunuan ng GMA 7 na huwag na lang mag-imbita ng mga pulitiko sa sinasabing wedding scene at baka mabigyan pa ito ng kulay.
Oo nga naman. Tutal naman, walang dayalog ang mga ninong at ninang at magmumukha lang extra ang mga ito.
Nasa homestretch na ang Marimar. Ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita nina Yasmien Kurdi, JC de Vera at Dina Bonnevie ang papalit dito sa Marso 24, pagkatapos ng Holy Week.
|