MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
P250T tinangay sa empleyada
(Aries Cano)
 


Tinangay ng dalawang kelot na galamay ng ‘motorsiklo gang’ ang tumataginting na P250,000 halaga ng pera mula sa isang empleyada sa Maynila.
Nakilala ang biktima na si Christine Joy Mendoza, 27-anyos, residente ng Parañaque City.
Sa pagsisiyasat ni PO3 Jerico Jimenez ng MPD-Theft and Robbery Section, alas-4:00 ng hapon kamakalawa ng mangyari ang insidente sa Dasmariñas St., Binondo, Maynila.
Bigla na lamang umanong sumulpot ang suspek at kinulimbat ang bitbit na bag ng biktima na naglalaman ng naturang halaga ng pera gayundin ang sari-saring alahas.

 

Microsoft Internet Explorer 7