MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Sputnik itinumba sa Parola
(Aries Cano)
 

Niratrat ang isang lalaking miyembro umano ng Sigue Sigue Sputnik gang matapos itumba ng hindi pa nakikilalang salarin sa Maynila kahapon.
Naisugod pa sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) pero hindi na naisalba pa ang biktima na nakilalang si Samuel Soria y Masa, tinatayang nasa 19 ang edad, may taas na 5’5”, payat, maitim, nakasuot ng itim na sando, naka-maong na short pants, walang sapin sa paa at may tattoo sa likod ng katawan na Sputnik gang.
Nabatid na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa noo, ibaba ng kanang mata, leeg, kanang dibdib at kanang braso ang biktimang si Soria.
Batay sa ulat ng MPD-Homicide Section, alas-11:00 kahapon ng umaga ng pumailanlang ang sunud-sunod at malalakas na putok ng baril at nang humupa ang ingay nakita na lamang umano ng mga residente sa lugar na duguan na ang nakabulagtang biktima sa iskinita sa tapat ng Gate 48, Parola compound, Tondo, Maynila.
Kagyat na rumesponde ang mga operatiba ng MPD-Station 11 sa pangunguna ni PO2 Arsenio Torencio at dali-daling isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan idineklara itong patay.
Wala namang makapagbigay ng impormasyon mula sa mga residente sa lugar kung paano nangyari ang insidente at kung sino man ang bumirang salarin.
Kaugnay nito, patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya kaugnay sa nasabing pamamaslang.

 

Microsoft Internet Explorer 7