MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Holdap sablay sa karatistang bebot
(Bell Desolo)
 

Naunsyami ang tangkang panghoholdp ng dalawang lalaki sa isang dalaga nang umalma ang huli at bigyan ng malakas na “frontal kick” ang mga ito kamakalawa ng gabi sa Cabuyao, Laguna.
Namilipit sa sakit ang suspek na kinilala ni Sr. Supt. Filepe I.Rojas Jr, provincial director na si Edson Naraña y Alcazar, 29 at Ramil Batallones Herce,31, kapwa taga Barangay Banay-Banay na muntik masapol sa “ari” ng biktimang si Jenilyn Javier y Nicolas,nasa hustong gulang,nakatira sa Vicente Drive,Barangay Tres ng bayang ito.
Sa ulat na nakalap mula kay Sr.insepctor Pamela B. Helaga, chief ng CALABARZON PIO, alas- 10:25 ng gabi galing ang biktima sa trabaho at naglalakad pauwi nang pagdating sa madilim na lugar ay harangan ng mga biktimang sakay ng Honda Prestige na motorsiklo (PNI 4048) at pagkababa ay nagdeklara ng holdap at kinuha ang bag nito na may lamang P13,000.00 alahas at mga gamit habang nakatutok dito ang isang patalim.
Hindi umano nasiraan ng loob si Javier at malakas na sinipa sa harapan ang mga suspek sabay hablot sa kanyang bag na natyempuhan ng nagpa patrulyang mga tanod at inaresto ang dalawa.

 

Microsoft Internet Explorer 7