MARCH 03, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
2 bumbero, 1 pa sugatan sa sunog
(Lily Reyes)
 

Tatlo ang nasugatan kabilang ang isang kagawad ng Bureau of Fire Protection sa unang linggo ng “Fire Prevention Month” matapos tupukin ng apoy ang isang bahay sa Quezon City kamakalawa.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection ng Quezon City ang mga nasugatan na sina Fire Officer 2 Vic Dagdagan, 42-anyos, miyembro ng BFP, Gary Villapando, 22, BFP volunteer at Lolita Co, 62, residente sa naturang lugar.
Sa report ng BFP-QC naganap ang insidente bandang alas-siyete ng gabi nang lamunin ng apoy ang isang bungalow type na bahay sa no. 7 Betty Go Belmonte St., Bgy. Mariana, QC.
Ayon sa report ganap na nakontrol ang sunog bandang alas-12:30 ng madaling araw kahapon.
Nagsimula ang sunog sa storage room ng nasabing bahay na pag-aari ng pamilya Carballo at mabilis na kumalat ang apoy.
Umabot sa task force alpha ang sunog at tinatayang aabot sa 10 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok.

 

Microsoft Internet Explorer 7