Pinasok at nilimas ng mga hinihinalang acetylene gang ang pera at iba pang mahahalagang bagay sa loob ng tatlong magkakadikit na establismiyento na kinabibilangan ng isang sanglaan at dalawang tindahan sa Maynila kahapon.Sa ulat ng MPD-Station 6, alas-9:00 kahapon ng umaga ng madiskubreng napasok ang tatlong paupahang unit nasa 3390 New Panadaeros St., Sta. Ana, Maynila.
Pag-aari at pinauupahan umano ni Dorina Locsin ang mga naturang unit at ito na rin ang nakadiskubre at nag-report ng pangyayari sa awtoridad.
Kabilang sa pinasok ng mga kawatan ang RHS Marketing na pinangangasiwaan ng isang Ayung Thek King na natangayan ng perang P37, 655; Sinka Electronic na pinamamahalaan naman ng isang John Ong na naharbatan din ng kuwarta. Ang ikatlong nilimas at pinaniniwalaang sadyang tinarget ng mga magnanakaw ay ang De Luxe Pawnshop ng isang Carlos Dizon na nakulimbatan umano ng hindi pa mabatid na halaga ng mga alahas at salapi.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang acetelene torch, isang gas tank at iba pang kasangkapan na pinaniniwalaang iniwan ng mga suspek sa sanglaan.
|