'I DID IT FOR GOOD REASON'

Whitney sa SMB Winston sa SLR

Bangis ni LeBron, 'di umubra sa Mavs

Horseracing, hihina at lulubog

L'Piñas 3-cocker

Sta. Ana cockfest


 

 

 

SPORTS UPDATE

Horseracing, hihina at lulubog


HONG KONG (AFP) --- Nabulabog kahapon ang mundo ng karera ng kabayo rito at marami ang naniniwala na babagsak ang pinakapaboritong sport na ito dahil sa pagkakabilanggo sa kampeong hinete na si Chris Munce kaugnay sa timbre-taya na eskandalo.

Nahatulan ng dalawa’t kalahating taong pagkakapiit ang Australyanong si Munce sa pakikipagsabwatan sa pagbibigay ng tips sa mga kabayong kanyang sinasakyan at pangongolekta ng panalo.

Subalit para sa mga tagamasid, ang pagsisiyasat sa 1998 Melbourne World Cup winning rider ay sobra ang intensidad na para sa mga world-class jockey ay magdadalawang isip nang dumayo rito kaya’t babagsak ang sport at magpapababa sa pamantayan nito.

"I think it’s going to have an impact on racing here -- international jockeys will not want to come here if they are going to be watched like this," bulalas ni South China Morning Post horseracing commentator Alan Aitken.

"Every jockey know they are going to be followed and their every move studied, then they won’t bother coming here," dagdag niya.

Inayunan ni dating champion Hong Kong trainer David Hayes, ngayo’y namamayagpag na trainer sa Victoria state ng Australia, na pangkaraniwang ginagawa na ang tipping.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top