'I DID IT FOR GOOD REASON'

Whitney sa SMB Winston sa SLR

Bangis ni LeBron, 'di umubra sa Mavs

Horseracing, hihina at lulubog

L'Piñas 3-cocker

Sta. Ana cockfest


 

 

 

 

 

SPORTS UPDATE

Whitney sa SMB Winston sa SLR

(Ramil Cruz)


Matapos ang ilang araw na pagmumuni-muni, napagpasyahan ng coaching staff ng San Miguel Beer na si Kelly Whitney ang tapikin, habang naging buena-manong sibat-import si Kris Gibbs Smith sa bisperas ng pagtaas ng telon sa PBA Fiesta Conference.

Ibinunyag kahapon ni interim coach Biboy Ravanes, humalili sa nag-leave na si Chot Reyes upang makapokus sa national team, na napili ng coaching staff si Whitney ng Seton Hall University Pirates laban kina Rodney Epperson ng Mountain State University at Brian Hamilton ng Luisiana State University-Lafayette.

Ang 6’8 center forward, 140 pounds at tubong Chicago, Illinois na si Whitney, ay second round, 16th overall pick ng Pittsburgh Explosion sa 2006 CBA draft noong Setyembre at miyembro ng All-Big East Second Team sa katatapos na 2005-06 season.

Siya ay starter sa lahat ng 30 games ng Pirates sa kanyang senior kung saan nag-average siya ng 15.2 points at 7.9 rebounds. Top rebounder din siya sa junior at senior seasons niya sa Pirates na rito’y nagtapos siyang may career na 1,448 pts.

Ayon kay Ravanes, isang athletic at rebounder si Whitney na nakakapaglaro ng 4 at 5 at umaasa siyang mapupunan nito ang kakulangan ng Beermen sa pagkakabilang sa RP squad nina Danny Seigle at Dondon Hontiveros.

Sa kabilang dako, napilitan ang bagong coach ng Sta. Lucia Realty na si Boyet Fernandez, na pauwiin na si Smith at halinhinan nang dumating kahapon at nasukatang 6’3 na si Rock Anthony Winston, sariwa pa mula sa paglalaro sa isang liga sa Argentina.

Rumelyebo sa nalagay na consultant na si Alfrancis Chua, binanggit ni Fernandez na ang drastiko niyang aksyon ay sa dahilan na rin na ang laro ni Smith ay kagaya ng kina rookie forward Kelly Williams at veteran center Dennis Espino.

"Lalabas na makikipag-agawan lang siya ng playing time kina Kelly at Dennis o vice-versa. Si Winston kayang maglaro ng 2-3 at 4, kaya sa tingin ko siya ang tamang import para sa amin," salaysay ni Fernandez.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top