|
|
ENTERTAINMENT
Aiza, poging-pogi sa 'Dreamboys' Akala namin ay nananahimik na ang baklang milyonaryo mula sa South. May bago itong ‘papa’ na dating nag-aartista. Nawalang bigla sa eksena ng showbiz ang aktor. ‘Yun pala ay nasa kandungan siya ng baklang milyonaryo. Ang aktor na ito ay pinagdududahan din ang kasarian. Irrtable ang mga tauhan ng baklang milyonaryo sa aktor dahil masyado itong madada. Ipinakilala ito ng isang gay talent manager na may alagang dating ‘papa’ rin ng baklang milyonaryo. ‘Yun na! *** Ang bilis ng panahon. Natatandaan namin nang pinapaplanuhan pa lang ang pagbubukas ng isang Zirkoh branch sa Greenhills. Ngayon ay nagdiriwang na
sila ng month-long anniversary. Unang gabi pa lang ng selebrasyon noong Huwebes ay punung-puno ng tao ang Zirkoh Greenhills. Tawanan at acoustic music ang magaganap sa ikatlong gabi ng ‘Uno Anniversario’ ng naturang bar mamaya. Tampok dito ang palabas na Dreamboys nina Jose Manalo, Willi Bayola at Aiza Seguerra (?). ‘Poging-pogi’ ang dating ni Aiza sa pagkanta at paggigitara. Ang show nila mamaya ay may kurot at kiliti sa puso. Para sa mha detalye, tumawag sa tel.# 722-3431, 722-3432. *** Tanging si Congressman
Chiz Escudero lamang ang sinamahan ni Susan Roces sa Comelec nang mag-file
ito ng kandidatura sa pagka-senador. Malaki ang bilib at paggalang ng asawa ng yumaong Fernando Poe Jr. kay Chiz. Naniniwala si Susan na malaki ang maitutulong ni Chiz sa bansa natin. Maski si Mother Lily ay inampon ang mambabatas na taga-Sorsogon. Sa ipinatawag na preskon ni Mother Lily para sa kanyang bagong ‘Regal Baby’ ay pinagkaguluhan ito ng mga kasamahan namin sa panulat. Animo’y fans ang mga reporter na nagpapirma ng autograph with matching kodakan. Ang asawa pala ni Chiz na si Christine Elizabeth R. Flores ay produkto ng That’s Entertainment ni Kuya Germs. Sa ngayon ay buntis ang asawa ni Congressman Chiz at medyo maselan ang pagbubuntis nito. Seven years na silang mag-asawa at ngayon lang ito nabuntis. Todo ingat si Chiz sa asawa. Ito kaya ang lucky charm niya? Sa nakikita naming talino at kasikatan sa masa ay sigurado na Chiz sa Senado… huwag lang magkaroon ng dayaan. Sina Kristine Hermosa, Angel Locsin at Heart Evangelista ang mga crush ni Chiz sa showbiz. Sa edad na 37 ay kitang-kita pa rin ang kakisigan ng kongresista. Marami sa industriya ng pelikula at telebisyon ang sumusuporta kay Chiz at tutulong all the way sa ikapapanalo niya sa Senado. Si Carlitos Siguion-Reyna ang nagdirek ng kanyang ad sa TV. Ikinuwento ni Chiz na ilang takes sila bago nabuo ang 30 seconder na ads. Naranasan na rin daw niya ang mga naranasan ng mga artista na ang calltime ay 8:00 AM. Inabot daw siya ng maghapon para kunan ang isang 30 seconder na ads. Tawa siya ng tawa na wala raw siyang magawa kung hindi maghintay sa set. Hindi niya akalian na ganoong hirap ang dinadanas ng mga artista sa tapings at shootings. *** Ginawa na ng GMA Artist Center ang matagal na naming sinasabi sa kanila na bigyan ng training at workshop ang mga talent nila para naman hindi mapintasan ng mga director o production staff ng mga programa ng GMA 7. Minsan ay mas kinukuha pa nila ang mga artista ng ibang istasyon dahil ayaw nilang sumakit ang mga ulo nila. Noong Lunes nang hapon ay naimbitahan kami ng GMA Artist Center para manood ng final showcase ng GMA Artist Center Workshop. Iba’t ibang role ang ginampanan ng kanilang talents tulad nina Rainier Castillo, Gian Carlos, Dion Ignacio, Iwa Moto, Valerie Concepcion, CJ Muere, Roco Twins, Ryza Cenon, Mark Herras, Mike Tan, Jackie Rice, Chuck Allie, LJ Reyes, at Marky Cielo. Lahat sila ay malaki ang improvement sa kanilang acting sa pamamahala ni Nanding Josef. Malaki ang ipinagbago nina CJ Muere, Mike
Tan, Chuck Allie at LJ Reyes sa kanilang acting. Pinagbuti nila ang |
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||
|
|