Alfie Lorenzo

Billy Balbastro

Allan Diones

Abu Tilamsik

Joe Barrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Sandara, tanggap ang kasikatan ni Kim


Siya raw doesn’t burn her bridges. Kahit bihira na siyang napapanood sa ABS-CBN, dito pa rin siya. Sa Dos nakakontrata si Sandara Park.

Frequent ang guestings niya sa Dos. Pero this month magkakaroon siya ng regular weekly show, sa RPN 9. At dahil sitcom ito, masaya siya.

Nang nabalitaan namin na kasama si Sandara Park sa sitcom na Dalawang Tisoy ng Solar Entertainment at RPN 9, tinanong naming si Pat-P Planas kung totoo ito.

Inamin ni Pat-P na pinuntahan niya si Mr. M (Johnny Manahan) para hiramin si Sandara at okey naman ito. After the approval, kinausap na nila si Sandara.

Every Monday ang taping ng show at happy si Sandara na "regularly busy" siya. Tanggap niya na si Kim Chiu ngayon ang favorite flavor sa ABS-CBN, pero ayon sa kanya, hindi siya pinababayaan ng Dos.

Excited siya to be a member of an "international cast" dahil si Eddie Gutierrez dito ay tisoy na Espanyol at si Freddie Webb ay tisoy na Kano.

Si Melanie Marquez ang English teacher kung araw at manager ng Happy & Gay Bar kung gabi.

Si Dexter Doria ang caregiver na tita ni Sandara. Anak si Sandara ng sister ni Dexter sa isang Koreano.

Ang love interest dito ni Sandy ay ang baguhang si Vince Saldana na runner-up sa isang toothpaste search.

Muling ibinalita sa amin ni Sandy na showbiz na rin ang brother niyang si San Yu Park na member na ng isang dance group. Nag-aral ito ng pagsayaw sa ABS-CBN workshops.

***

Wala muna ang tambalang Judy Ann Santos at Vhong Navarro sa Komiks ng Dos.

Walang time para sa taping nito si Juday dahil ginagawa niya ang Ouija Board ng GMA Films.

Naka-schedule ang taping ng Buhawi Jack sa buong buwan ng Pebrero pero hindi ito natuloy.

Abala rin si Juday with Ryan Agoncillo sa mga out-of-town taping ng Ysabella na soap nila sa Dos.

Si Chito Roño sana ang director ng Buhawi Jack. Kasalukuyan pinagkakaabalahan na lang ni Chito ang pre-production work sa pelikula ni Sharon Cuneta. Kukunan ito sa UK at tungkol sa isang caregiver ito.

Di kaya after May elections na ang simula nito? Earlier kasi, naka-schedule ito ng late March o early April 2007.

***

Dahil naghahanda siya para sa US tour nila ng PDA Final Six sa Abril 4-25, may panahon si Yeng Constantino para sa kanyang acting workshop.

Paniniwala ni Yeng na kailangan niya ito dahil isasama siya sa bagong soap ni Sarah Geronimo na hinahanda ng ABS-CBN.

Kasama rito tentatively si Rica Peralejo. Siyempre, may touches of Sana’y Walang Wakas ito dahil tatlong singers ang mga lead dito.

Naalaala namin ang sabi ni Rica kamakailan lang nang na-release ang album niya: "Bago ako nakilala bilang aktres, singer talaga ako."

***

Tuloy na ang playdate ng pelikulang Siquijor: The Mystic Island sa Marso 14.

Intriguing ang kuwento dahil there’s a new TV horror show within the movie. May pagka-innovative ang script.

Si Ian Veneracion ang director, si Angel Aquino ang prodyuser at si Assunta de Rossi ang host.

Cameraman si Yul Servo, writer si Sid Lucero at assistant si Coco Martin.

Sana, panoorin muna ng mga taga-Siquijor ang pelikula bago sila mag-object sa trabahong ito ni Mark Philipp Espina.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top