Alfie Lorenzo

Billy Balbastro

Allan Diones

Abu Tilamsik

Joe Barrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Kris at Hope, kinaiinisan


Naabutan namin kahapon na naggu-golf sa Omega Cup sa Wack Wack Golf and Country Club si John Estrada. Napag-usapan namin ang tungkol sa pagbabati nila ni Jericho Rosales.

Pangalawang beses na raw nilang pagkikita iyun ni Jericho pero sa YES party lang sila nagkaroon ng pagkakataong magkausap. Nilapitan siya ni Jericho para batiin.

Natutuwa si John dahil wala raw silang dapat pag-awayan ni Echo. Wala raw katotohanan ang isyu sa kanila ni Heart Evangelista.

Mabuti’t lumipas na raw ang galit at nagkaroon na ng pagkakataong magkabati sila.

Ayaw mag-comment ni John sa isyung magpapakasal na si Janice de Belen at ang kasalukuyang boyfriend nito.

Never daw niya tinanong si Janice tungkol sa mga personal na bagay. Tungkol lang daw sa mga bata ang kanilang pag-uusap.

Sakaling matuloy ang pagpapakasal ni Janice, walang problema sa kanya. Ang mahalaga, wala raw silang problema pagdating sa kanilang mga anak kahit nalalaman niyang naging close na rin ang mga anak nila sa boyfriend ni Janice.

Sa ngayon ay happy na raw siyang loveless at hindi na raw siya umaasang magkakabalikan sila ni Vanessa del Bianco.

***

Bukod sa mga ihahayag ni Dra. Vicki Belo sa Startalk mamaya, susubukan din ng Startalk na makapanayam uli si Hope Centeno.

Baka pumayag itong magpa-phone patch dahil ayaw na raw ng ina niyang magsalita siya.

Inaabangan ng karamihan na may mga ilalabas daw si Hope na mga bagong bombang pasasabugin tungkol sa kanila ni James Yap, pero walang ganito.

Kung matutuloy ang interview, dito kukumpirmahin ni Hope kung buntis nga ba siya.

May live coverage rin ang Startalk sa kasalang Marc Pingris at Danica Sotto sa Palm’s Garden sa Alabang. Susubukan ng Startalk na makumpleto ang detalye ng kasal dahil limitado ang media coverage.

May ibibigay na interview si Danica ilang oras bago ang kanyang kasal.

***

Isang linggo nang pinag-usapan ang eskandalong Kris Aquino, James Yap at Hope Centeno.

Ang dami na naming naririnig na komento galing sa mga taong sumusubaybay sa isyung ito.

Kahit sa ilang programa ng FM stations sa radyo ay pinag-uusapan ito. May narinig pa kami minsan na merong survey sa listeners kung sino sa tingin nila ang nagsasabi ng totoo kina Hope at James.

Mas marami ang naniwala kay James, at maraming babaeng listeners ang naiinis kay Hope.

Ang napansin lang namin, sa mga taga-showbiz lalo na ang movie reporters at columnists na sumusubaybay sa isyung ito, maraming naiinis kay Kris at walang simpatiya sa kanya.

Ilan sa mga nakakausap namin ay nagsasabing, "Patahimikin n’yo na si Kris," at kay James pa naaawa.

Kung lalabas si Kris sa The Buzz bukas, sana raw ay tumahimik na ito at tigilan na ang pagpapahiya sa kanyang asawa.

Ang narinig namin, kung hindi tutuloy si Kris sa The Buzz, baka si Gretchen Barretto muna ang pumalit sa kanya.

***

Hindi na itinuloy ni Jolo Revilla ang panliligaw kay Ryza Cenon dahil mukhang mas okay kung magkaibigan na lang sila.

Nagti-text o nagtatawagan lang daw sila pero nitong mga huling araw ay hindi na raw.

May bagong nililigawan ngayon si Jolo na non-showbiz. Pwedeng sabihing ito na ang ipinalit ni Jolo kay Grace Adriano.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala naipahiram sa kanya ang kanilang anak at nami-miss na raw ito ni Jolo.

***

Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 noong HUWEBES (Marso 1):

SiS 12% vs. Homeboy 13.3%;

Yellow Handkerchief 18.4% vs. Game Ka Na Ba? 20.3%;

Eat Bulaga 18.6% vs. Wowowee 24.5%;

Daisy Siete 16.4% vs. Inocente De Ti 15.8%;

Muli 14.6%, Princess Charming 14% at Full House 14.8% vs. Kapamilya Cinema 16.2%;

Jewel in the Palace 14% vs. Pangako sa ‘Yo 12.6%;

24 Oras 26% vs. TV Patrol World 26.4%;

Asian Treasures 32.6% vs. Sana Maulit Muli 27.7%;

Super Twins 34.2% vs. Maging Sino Ka Man 28.6%;

Bakekang 31.5% vs. Maria Flordeluna 24.4%;

Jumong 25% vs. Pinoy Big Brother 24.4%;

Starstruck 14.7% vs. Princess Hours 19.3%;

Magpakailanman 14% vs. Bandila 8.9%.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top