Alfie Lorenzo

Billy Balbastro

Allan Diones

Abu Tilamsik

Joe Barrameda


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Iba pang housemates papasok na sa Bahay ni Kuya


Sasalubungin ng GMA-7 Entertainment programs ang summer season sa paglulunsad ng SUMaMER KA NA ngayong Sabado.

Magsasama-sama ang mga premyadong artista ng bansa mula sa programang talk, variety, musical at reality ng GMA-7 sa isang malaking summer campaign.

Ang SUMaMER KA NA theme song ay inawit nina Janno Gibbs, Jaya, Kyla at JayR.

Mapapanood sa SUMaMER KA NA ang hosts ng mga programang SiS, Mel & Joey, Startalk, Starstruck, The Next Level; Pinoy Pop Superstar; SOP; S-Files at Walang Tulugan.

Kabilang dito ang mahigit 50 artists at hosts tulad nina Joey de Leon, Mel Tiangco, Janno Gibbs, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya, Janice de Belen, Gelli de Belen, Carmina Villaroel, Lorna Tolentino, Butch Francisco, Allan K, German Moreno, Pia Guanio, Paolo Bediones, Joey Marquez, John Lapuz, Jolina Magdangal, Raymond Gutierrez, Dingdong Dantes, Rufa Mae Quinto, Kyla, Karylle, Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, JayR, Dennis Trillo, Gian Magdangal, Gerald Santos, Brenan Espartinez, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Sugarpop, Victor, Mark Herras, Miggy Eugenio, Take 5 at Starstruck Batch 4.

Mapapanood ang SUMaMER KA NA sa Startalk ngayong Sabado. Abangan ito sa iba’t ibang entertainment programs sa buong summer at magkaroon ng pagkakataong manalo ng mahigit P100,000 cash!

***

Magsisimula ngayon sa ABS-CBN ang weekend koreanovela na Something About 1%.

Sa istorya, tinulungan ng mabait na titser na si Lianne ang isang matandang lalaki.

Hindi alam ni Lianne na napakayaman ni lolo.

May apo si lolo, ang negosyanteng si Jay na mainitin ang ulo at nagsisimulang magrebelde.

Para patinuin ang apo, umisip ng gimik si lolo – ibibigay niya ang lahat ng kanyang pera at ari-arian sa lalaking pakakasalan ni Lianne.

Napuwersa si Jay na ligawan si Lianne.

Ano ang kahahantungan ng kanilang ‘romansa’?

Ang Something About 1% ay pinagbibidahan nina Kim Jeong Hwa at Kang Dong Won.

Mapapanood ito tuwing Sabado bago mag-Game KNB? at tuwing Linggo bago mag-ASAP.

***

Madaragdagan ngayong Sabado ang anim na housemates na naunang pumasok sa Bahay ni Kuya.

Anim lamang ang pinayagan ni Kuya na pumasok sa bahay niya nang magsimula ang season 2 ng Pinoy Big Brother noong Linggo.

Ang iba pang housemates ay magkakahiwalay na itinago sa magkakaibang lokasyon.

Labing-apat ang sinabi na bagong housemates.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Season 2 mamaya pagkatapos ng XXX sa ABS-CBN.

Pwede ring makasama si Kuya sa Si Kuya, Kabarkada Mo kasama sina Asia Agcaoili, Sitti at Pining sa Studio 23 mula Lunes hanggang Sabado nang 7:30 PM.

***

Solar Entertainment and RPN present a real wrestling action of mixed martial art champions on UFC 68: The Uprising.

Heavyweight champion Tim "The Maine-iac" Silva defends his title at the event against former champion of the same category, Randy "The Natural" Couture.

Couture, a UFC Hall of Famer and former heavyweight and light-heavyweight Champion, returns inside the octagon ring after a year of retirement.

On the under-card matches, 16 UFC contenders will also combat and exhibit their various fighting styles for a slot for recognition, which includes a return bout for former champions -- Matt Hughes (welterweight) and Rich "Ace" Franklin (middleweight).

Witness a real wrestling action with almost no rules, live from Nationwide Arena Columbus, Ohio tomorrow (March 4, Sunday), 11:00 AM at RPN.

***

Nasa ikapitong taon na ang timpalak na Little Angels 2007, na ang finals ay gaganapin sa Mayo.

Kabilang sa mga produkto nito sina Bryan Homecillo, Rache Mae Manantan, Kenjie Tamioca, Rae Carrera at Mark Angelo Wilson.

Bukas ang paligsahan sa mga batang 4-9 y/o na may talento, talino at aura ng bituin.

Ang criteria sa judging ay beauty & personality, Q&A, angel-inspired costume at audience impact.

Available na ang application forms sa RDH Entertainment & Marketing, Rm. 301 Wil-vic Bldg., #96 V. Luna Rd., QC, tel.# 435-4881.

Para sa mga detalye, makipag-alam kay Hernani Lubaton (cell# 0926-229-3609) o Aries Cocoy Eleazar (cell# 0918-545-2088).

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top