Rayver, maalaga kay Shaina

Malakas ang laban

Piolo vs Ryan sa Star Awards


Showbiz Today

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Rayver, maalaga kay Shaina

(ALLAN DIONES)


Ayaw masabihan ni Shaina Magdayao na isa siyang babaeng ‘easy to get’ kaya pahihirapan niya muna si Rayver Cruz bago niya ito sagutin.

Dati ay na-link si Shaina kay Patrick Garcia at sa iba pang boys kaya medyo naging ‘playgirl’ ang dating niya sa iba, pero sumusumpa ang bagets na never pa siyang nagka-boyfriend at puro kaibigan lang ‘yung mga natsismis sa kanya noon.

Dayalog sa amin ng bagets sa presscon ng Happy Hearts, nilagyan lang ng malisya ng ibang tao ‘yung mga ginagawa niya noong bata pa siya pero hindi raw siya playgirl.

Ngayong vocal na ang ka-loveteam niyang si Rayver na nanliligaw na ito sa kanya ay naging mas maalaga ang binata at mas naipapakita nito ngayon ang pagki-care sa kanya, hindi gaya dati na nahihiya pa ito.

Hindi sure ni Shaina kung magiging boyfriend na niya si Rayver pagsapit ng 18th birthday niya sa Nobyembre 6. Ayaw niya ng stiff na debut party, gusto niya ay isang informal party lang na meron pa ring 18 roses at 18 candles.

Mas type din ng dalaga na mag-tour sa Europa kesa gumastos nang malaki para sa kanyang debut.

Very impractical daw ‘yon sabi ng daddy niya kaya baka mag-Europe na lang siya kasama ng kanyang pamilya at bespren na si Bea Alonzo.

Hindi insekyur si Shaina kahit tila naungusan na sila ni Rayver ng loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson samantalang kelan lang sumulpot ang mga ito.

"We shoud be happy for them. Wala pong bitterness kasi, nakatrabaho ko po sila sa Love Spell at wala akong nakitang masama sa kanila.

"Kanya-kanyang panahon lang po ‘yan, di ba? Ang plan ng ABS-CBN is slowly but surely, so I trust them," sey ng bagets.

Tanging Ina pa ang last movie ni Shaina dahil wala raw siyang kontrata sa Star Cinema. Thankful siya na nabigyan sila ng chance ni Mother Lily Monteverde na i-launch ang kanilang loveteam via Happy Hearts.

Showbiz crush ni Shaina si Richard Gutierrez. Na-excite ang dalaga nang sabihin namin na pwede silang magsama sa movie kahit taga-ABS siya at taga-GMA si Richard, tulad nina Aga Muhlach at Angel Locsin na pagtatambalin ng Regal Entertainment sa remake ng pelikulang Relasyon

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top