|
Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, 3rd Floor, BF Condominium Bldg., Solana cor. A. Soriano Sts., Intramuros, Manila.
|
PUBLIC
SERVICE
Mahal ko siya, mahal niya'y iba Dear Tita Nora, Sana po’y mapayuhan ninyo ako. Umiibig ako sa isang babaeng sa iba naman umiibig. Ang pangalan niya ay Katrina. Dalagang-ina si Katrina. Niloko siya ng unang nobyo niya. Noon ko pa siya gusto. Noon pa may nanligaw na rin ako sa kanya. Handa kong panagutan, palakihin at pag-aralin ang anak niya. Pero ibang lalaki ang pinatulan niya. Kaedad niya ang boyfriend niya ngayon. Ako nama’y mas matanda sa kanya ng 10 taon. Pero di ba’t may kasabihang ‘age doesn’t matter’? Mahal na mahal ko talaga si Katrina, Tita Nora. Hindi siya mawala sa isip ko. Sana’y bigyang kasagutan mo ang liham kong ito. Maraming salamat.
Bernard
Dear Bernard, Ang pag-ibig sabi nga nila ay maituturing ding parang sugal, may nananalo at merong natatalo. Tama ka, di nga nasusukat ang pag-ibig sa agwat ng edad. Pero masakit mang aminin na wala kang pitak sa puso ng babaeng mahal na mahal mo, kung iyon ang katotohanan ay kailangang tanggapin mo na lang. Kaakibat talaga sa taong nagmamahal ang pagpaparaya at pagpapakasakit. Kung inaakala mong masaya naman si Katrina at kuntento na sa boyfriend niya’y magparaya ka na lang. Huwag mo nang ipilit pa ang iyong damdamin kung sa umpisa pa lang ay batid mo nang komplikado ang sitwasyon. Bukod sa posibleng makagulo ka lang, pati ikaw ay baka lalo ring masaktan. Mahirap man siyang kalimutan ay kailangang tulungan mo ang iyong sarili. Pansamantala ay gawin mong busy ang iyong isip at sarili. Subukan mo ring makihalubilo sa iba at ituon ang iyong pansin sa ibang babae nang unti-unti mo siyang makalimutan. Good luck and God bless you.
Love, Tita Nora |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|