Cyber Prayer

Romance Tonite

Info Corner

Hardliner  


 

TONITE INFO

Paraan ng paggawa ng dishwashing liquid

(Vladi Eduarte)


Maraming proyektong pangkabuhayan ang Barangay East Rembo sa Makati na maipagmamalaki dahil napapakinabangan na ng kanilang mga residente.

Kabilahng dito ang paggawa ng dishwashing liquid, isa sa mga isinusulong na livelihood project ni Chairman Romanito D. Verecio.

Ang mga una nilang tinuruan na gumawa ng dishwashing liquid ay mga battered wives para may pagkaabalahan at makaiwas sa sobrang pag-iisip, at mga misis na walang trabaho o nasa bahay lang pero gustong kumita.

Ang target ni Chairman Verecio nang pasimulan ang candle-making project noong nakaraang taon ay sila, o ang kanilang barangay, ang maging candle capital ng Makati.

Sa mga natutong gumawa ng dishwashing liquid, lumaki bigla ang kita nila dahil nagkaubusan ng paninda hindi lang sa mga tindahan sa barangay kundi maging sa mga kalapit na lugar.

PAGGAWA DISWASHING LIQUID:

Isa pa sa proyektong isinusulong ni Chairman Verecio ng Bgy. East Rembo ay ang paggawa ng dishwashing liquid.

Hindi kaila na bukod sa sabon, ang dishwashing liquid ang isa sa pinaka-mabentang gamit sa kusina. Hindi puwedeng mawalan nito ang bawat tahanan.

Kaya naman naisip ni Chairman na turuan ang kanilang mga residente na gumawa nito, upang bukod sa hindi na bibili ay makakapagbenta pa. Dagdag-kita sa kabuhayan ng mga misis na nasa bahay lang.

Madaling gawin, hindi pa mahirap hanapin ang mga materyales at hindi mahal ang paggawa. Ayon nga sa Livelihood Trainor ng Barangay na si Gng. Bing Delos Reyes-Palacol, sa Divisoria lang ay makakabili na ng mga materyales.

Mga kailangan:

Tubig;

Surfactant;

Micsol (Marine Industrial Solution) degreaser, o pantanggal ng mantika/sebo;

CDEA (coco diethanolamide) thickener o pampalapot;

Anti-bacteria

Scent, pampabango;

Drops ng colorant, depende kung anong gustong kulay

Paraan ng paggawa:

Sa 2.1-litro ng tubig, idi-dissolve nila ang 600-gramo ng surfactant, 300-grams ng degreaser, at 150-grams ng thickener. Ii-stir nila o iikutin ito sa isang direksyon lang hanggang sa maghalo lahat. Pagkatapos ay hahaluan ng 1-ml ng anti-bacteria, .05-ml ng scent, at droplets ng colorant at hahaluin ulit.

I-stir ulit ang solution hanggang maghalo lahat. Iiwanan ito ng isang oras o hanggang mawala ang bula, bago ililipat sa mga mas maliliit na lalagyan tulad ng bote o plastic bottles.

May pansariling gamit na sila, naibebenta pa sa mga bahay-bahay, at kalaunan ay sa mga tindahan o sari-sari store na. Mabili dahil maayos at malinis ang pagkakagawa, epektibo pang panggamit sa kusina.

Ayon kay Gng. Palacol, hindi kamahalan ang kailangang kapital o puhunan para makagawa ng dishwashing liquid kaya tamang-tama lang sa mga gustong kumita kahit nasa bahay lang.

Hindi pa kumukonsumo ng mahabang oras at hindi nakakapagod. Kahit ang buong pamilya, lalo ang mga bata, ay maaaring tumulong sa paggawa dahil nakakalibang.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top