|
|
PUBLIC
SERVICE
What Simon wants, Simon gets At sino naman itong si Simon na hari ng food concessionaires sa Manila International Airport Authority (MIAA). "What Simon wants, Simon gets" daw ang dating nitong mamang ito! Isa sa pangunahing prayoridad ni Mr. Alfonso Cusi ng siya ay manungkulang general manager ng MIAA ay ang pagtanggal ng mga eateries at snack counters sa loob ng Airport arrival at departure areas dahil ang mga ito ay eye sore o ‘di magandang tingnan bukod pa sa nakakagambala ito sa flow ng passengers at pwede ring maging security risk. Maraming Airport concessionaire ang syempre ay tumutol at bumanat kay GM pero sa katagalan ay nakitang maganda ang kinalabasan ng kanyang ginawa. Maganda ang naging epekto sa travelers ng pagkakatanggal ng mga kainan, palitan ng dolyar at kung anu-ano pa. Umani nga ng papuri si MIAA GM Al Cusi sa ginawa niyang hakbang pero nagulat na lamang ang marami nang makita bigla ang isang dimsum snack counter sa NAIA Terminal-1 departure area na katabi ng Allied Bank. Pag-aari raw ng isang Simon Wong (may-ari rin ng Window of the World resto sa T-1 departure) ang nasabing snack counter. At sa NAIA T-2 ay mayroon din pala siyang snack counter sa loob din ng departure area. Kung hindi ba naman malakas o super-lakas itong si Wong sa management ng NAIA ay makakapagtayo ba naman ito ng mga snack counter sa mga lugar na una nang nalinis sa kahalintulad na counters. Mayroon ng mistulang monopolya itong si Wong ng snack counters sa NAIA Terminal 1 at Terminal 2. Airport super concessionaire na nga ang tawag dito sa kanya. Magkano ang lagayan sa pagkakabukas ng food concessions ni Wong at sino ang mga tumayong padrino nito. Alam nga kaya ni GM ito at alam din kaya ito ng kanyang peborit na chief lieutenant na si Robert ‘Miami vice’ Uy. *** "Walang dapat na ikabahala ang mga residente ng Navotas kapag ito ay maging ganap na lungsod na," ito ang naging pahayag ni Malabon-Navotas Congressman Ricky Sandoval sa kanyang naging pagharap sa isang talakayan sa "Kapihan sa Kabayan Hotel" kamakailan. Ayon kay Sandoval, mali ang mga alegasyon na kapag naging ganap na siyudad na ang Navotas ay magtataas ng real property, business and other local taxes sa lahat ng mga properties o negosyo ng mamamayan. Tiniyak ng kongresista na walang mangyayaring pagtataas ng taxes sa loob ng limang taon pagkatapos na maging ganap na lungsod ito. Dagdag pa ni Sandoval, maaari pa nga na ibaba ang local taxes ng susunod na mayor at mga konsehal ng bayan. Sa kasalukuyan, hinihintay na lamang na lagdaan ito ng Pangulong GMA matapos na maaprubahan ito at ratipikahan ng Kongreso. Ngunit ayon kay Sandoval, magiging mahirap na umanong isabay sa campaign period ang plebisito. Ang official campaign period sa local election ay magsisimula sa Marso 30. Kasabay ng Navotas Cityhood ay ang paghihiwalay ng distrito ng Navotas at Malabon at pagkakaroon ng sariling kinatawan sa Kongreso. Magaganap ang plebisito depende sa idedeklarang petsa ng plebisito ng Comelec. Hintayin na lamang umano ang desisyon ng Comelec sa itatakdang petsa ng plebisito at doon nakasalalay kung sa year 2007 o 2010 na magkakaroon ng hiwalay na kongresista ang Navotas.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|