|
|
OPINION
Ano nga ba ang totoo? Laman ng mga balita at usap-usapan ang tungkol sa mga hamon para sa isang debate sa pagitan ng mga magkatunggaling "Genuine Opposition" at "Unity ticket". Unang naghamon ang Malacañang sa pamamagitan ni Presidential Chief of Staff Joey Salceda na pagdebatehan ang mga isyu, lalo na ang ekonomiya. Call ang sagot ng GO at gawin ito sa Plaza Miranda para saksihan ng ordinaryong Pinoy. Kapag nagkataon, magandang pangyayari itong debate. Kung inyong magugunita, noon pa mang 2004 ay may ganito ng hamon, subalit, mismong Palasyo ang nangupete at ayaw humarap sa mga katunggali. Ang debate kasi ang isa sa pinakamabisang pamamaraan upang masuri ng taumbayan ang mga kandidato at kung ano ang kanilang ipinaglalaban. Isa rin itong sukatan sa katinuan at political maturity ng ating bansa. Kaya lamang, hindi pa man nagsisimula ay may kondisyong inilalatag ang mga bata ni Gloria hinggil sa mga usaping dapat lamang pag-usapan. Hindi rin natin malaman kung bakit malaki ang takot nilang humarap sa ordinaryong Pinoy. Ayaw ng administrasyon na gawin ito sa Plaza Miranda. Sa halip ay sa Manila Hotel at sa harap daw ng mga negosyante gawin ang debate. And they want one single issue discussed - and that is the economy. Isa pang nakikita kong problema ay wala ni isang kandidato ng TU ang Malacañang boys. The debate must be among candidates and their representatives. Sa totoo lang, bukod tanging si Cong. Butch Pichay ang nakikitang may lakas ng loob at kayang depensahan ang posisyon ng administrasyon ng maayos. Si Sec. Mike Defensor ay puwede ring humarap, pero duda ako sa kanyang kakayanang ipagtanggol ang isyu (baka nga mapasama pa ang kanyang pangkat). Of course, magaling sa debate si Joker Arroyo. Ngunit, pagdating sa usaping pang-ekonomiya ay baka kapusin ang matanda at mag-walkout tulad ng nangyari sa impeachment ni Erap. Sa panig naman ng opposition, pambato diyan si Cong. Chiz Escudero at Rep. Alan Peter Cayetano at Atty. Koko Pimentel. Kung pagandahang lalake at karisma sa audience, lamang ang tatlo. Kung sa husay ng paglalatag ng isyu, ‘di hamak ding magaling ang grupong ito. Mapa-English o Pilipino ang pananalita, malayo rin ang agwat. Kaya, hindi ko maintindihan kung bakit naghamon ang Palasyo sa kalaban. Sa tingin ko ay nagkamali sina Salceda sa paghahamon sa opposition. Hindi ito simpleng school debating club competition. At mas lalong hindi usapang "table economics" ang tagisan ng galing dito. Ito ay isang "political debate" where you have to impress upon the greater number of electorates the realities of life vis-à-vis the administration’s line of economic gains. Kailangan sa talakayang ito na maipaliwanag kung talaga bang maganda ang kabuhayan o economy ng bansa. Hindi mo maaaring sabihin dito na tumaas ang antas ng kabuhayan ng halos anim na porsyento, samantalang mahigit anim na milyong Filipino ang nagdarahop at hindi nakakakain nang wasto. Napakahirap ipaliwanag na sobra-sobra ang dollar reserve sa bangko (mahigit sa 18 billion dollars), samantalang hindi mapagkasya ni Juan dela Cruz ang P350.00 na arawang sahod. Dagdag pa riyan ang argumentong, ubod ng dami ng pera natin, bakit hindi maipagkaloob ang P125.00 across-the-board wage increase sa mga anakpawis. Hindi nakakain ng tao ang numerong ipinagmamalaki ng administrasyon. Ang magandang balita na nababasa sa diyaryo, naririnig sa radyo at napapanood sa telebisyon ay hindi maaaring pambili ng mga batayang pangangailangan ng sambayanan sa palengke o merkado. At hindi mo maaaring sabihin na ang trickle down effects ng paglago ng ekonomiya ay paparating na. Ang hinaing ng mamamayan ay "now na". How do you face the argument that the economic growth is not anchored on economic fundamentals, like productivity in both agricultural and industrial sectors and actual or real investments. Hindi iyan maaaring sagutin nang maganda ang kalakaran sa stock market (pawang mga portfolio investments iyan). Bagsak ang agrikultura at marami nang nagsasarang kumpanya. Eh, papaano pa kung sabay-sabay na mag-withdraw ng pera ang mga pamilya ng mga OFW - ubos ang dolyares natin sa bangko. Hindi rin puwedeng ipangalandakan ang pagbaba ng presyo ng produkto, petrolyo at kuryente. Ang dahilan nito ay ang pagbaba ng presyo sa world market at contract prices. Bumaba nga ang generation charges sa kuryente, pataas naman ang PPA (purchase power agreement) charges. Ang tubig ay halos doble pa ang itinaas nito bawat cubic meter. Sa totoo lang maling-mali ang paghahamon ng debate ng administrasyon. Sa usapang tapatan, maging ang ekonomiya ay hindi kayang panindigan sa Plaza Miranda. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|