|
BANK ACCOUNT NG ADMIN BETS PINADEDEKLARA GO Team lulusob sa balwarte ni Recto Team Unity mababaon sa sariling hukay
|
TOP
STORIES
Team Unity mababaon sa sariling hukay (Boyet Jadulco/Bernard Taguinod/Rey Marfil) Mababaon sa sariling hukay ang mga kandidato ng Team Unity matapos na pumayag itong makipagdebate sa mga kandidato ng Genuine Opposition (GO). Ito ang binigyang-diin nina Senate President Manuel Villar, dating Sen. John Osmeña at Loren Legarda dahil magiging defensive lamang ang mga kandidato ng Team Unity sa gagawing pag-atake ng mga senatoriable ng GO. Ayon sa tatlo, kahit anong isyu ang gawing topic sa debate ay tiyak na mababaon lamang ang mga kandidato ng administrasyon dahil mahirap idepensa ang mga kapalpakan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Kung isyung pang-ekonomiya ang pag-uusapan, sinabi ni Villar na hindi maaaring maipagmalaki ng administrasyon ang pagganda ng ekonomiya ng bansa dahil hindi naman ito nagresulta ng pamamalakad ng pamahalaan kundi nahawa lamang tayo sa magandang kalagayan ng ekonomiya ng Asya. Hindi rin umano maaaring maipagmalaki ng administrasyon na nakikinabang ang taumbayan sa pag-angat ng halaga ng piso kontra dolyar at magandang kalakaran sa stock market dahil sa hindi naman umaabot ito sa tiyan ng masang Pilipino. Samantala, ipinahayag ni CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva na hindi kayang iwasan ng Team Unity sa pinaplanong "great debate" ang mga isyu ng katiwalian sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Arroyo. Aniya, maraming katiwalian at kontrobersya ang kinasasangkutan ng administrasyon at mahalagang malaman kung ano ang gagawin ng senatorial candidates ng Team Unity sa mga isyung ito kapag sila ang mananalo. Kinasahan naman ito ni Team Unity spokesman Ace Durano maliban lamang sa suhestiyon ng GO na gawin ang debate sa Plaza Miranda. "Anong kinakatakot nila, takot sila na baka mabato sa Plaza Miranda? Papaano sila mababato eh sila ang may hawak ng pulis. Kung tutuusin kami sa Genuine Opposition ang dapat na mag-worry kasi sila ang may pera at kakayahang manghakot," reaksyon naman ni GO senatorial candidate Alan Peter Cayetano. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|