|
BANK ACCOUNT NG ADMIN BETS PINADEDEKLARA GO Team lulusob sa balwarte ni Recto Team Unity mababaon sa sariling hukay
|
TOP
STORIES
Palasyo asar-talo sa survey (Rose Miranda) Inakusahan kahapon ng Malacanang ang Genuine Opposition (GO) na kinomisyon lamang ang huling Pulse Asia survey kung saan inilampaso ng mga kandidato ng oposisyon ang senatorial bets ng Team Unity sa lungsod ng Maynila. Sa ambush interview kahapon, minaliit ni Presidential Adviser on Political Affairs Gabriel Claudio ang nasabing survey dahil bukod sa aniya’y kinomisyon ito ng GO ay sa lungsod ng Maynila pa lamang ito isinasagawa. Giit pa nito, tiyak na magbabago ang resulta ng mga survey sa mga susunod na panahon lalo na’t higit na mas matibay ang makinarya ng Team Unity at malawak ang suporta mula sa local government units (LGUs). "Kinomisyon ng oposisyon, kaya predictable ang resulta. Sa Maynila lang naman. Certainly, magbabago pa yan pabor sa Team Unity sa mga darating na panahon," ani Claudio. Prediksyon pa ni Claudio, makakamit ng Team Unity ang 8-4 o 9-3 na kalamangan sa eleksyon dahil hati-hati na umano ngayon at nakakaranas na ng mga nilalangaw na political rallies ang oposisyon. Base sa huling Pulse Asia survey, nangunguna sina Loren Legarda, Panfilo Lacson, Francis Escudero, Alan Peter Cayetano, Francis Pangilinan, Noynoy Aquino, Gringo Honasan, Ralph Recto, Tito Sotto, Manuel Villar, Joker Arroyo at Koko Pimentel. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|