BANK ACCOUNT NG ADMIN BETS PINADEDEKLARA

ASO jingle mabenta

GO Team lulusob sa balwarte ni Recto

Palasyo asar-talo sa survey

Team Unity mababaon sa sariling hukay


Hulaan Blues

Crime Stories

World Tonite


 

TOP STORIES

GO Team lulusob sa balwarte ni Recto

(Rey Marfil)


Ngayong araw magkakaalaman kung ano ang ipinagmamalaking puwersa ng nakatatandang kapatid ni administration reelectionist Sen. Ralph Recto matapos ikasa ng Genuine Opposition (GO) ang 2-day campaign sorties sa lalawigan ng Batangas.

Si Batangas Vice Governor Ricky Recto, kandidato ng GO sa gubernatorial race, ang tumayong ‘principal sponsor’ sa campaign sorties ng oposisyon sa kanyang lalawigan at inaasahang magpapakita ng puwersa ang opisyal para maiwasan ang panibagong intrigang ipinupukol dito.

Unang umatras sa gubernatorial race si Lipa City Mayor Vilma Santos matapos uminit ang iringan sa pagitan nila ng nakatatandang kapatid ng kanyang mister na makailang-beses nag-drama sa national television upang makuha ang inaambisyong puwesto.

Tatlong senatorial candidates ng oposisyon na pawang nasa "Top 5" ng Pulse Asia survey ang mangunguna sa campaign sorties sa lalawigan ng mag-asawang Vilma at Ralph, na kinabibilangan nina Sen. Panfilo "Ping" Lacson, Cong. Chiz Escudero, at Cong. Alan Cayetano.

Alas-otso ng umaga, magsisimula ang motorcade ng GO team at papasukin ang iba’t ibang palengke, kasunod ang bayan ng Tanauan at Malvar bago ang Lipa City na balwarte ng mag-asawang Ralph at Vilma kung saan naghanda ng pananghalian ang vice governor. Ganap na alas-dos ng hapon, tutulak ang grupo sa Padre Garcia Market, Rosario, Ibaan at Batangas City kung saan magkakaroon ng grand rally kinagabihan. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top